♠Chapter 2♠

18 0 3
                                    

Xander's POV

"Sige Bro! Una na kami sa klase naminMaaga kasi ang first lecture namin eh." Paalam ni Angelo sa akin na kasalukuyang paalis na ng dorm. Hindi sila naka-uniform. Hindi daw naman kasi uso ang uniform sa university na ito. Mabuti naman at hindi ko na kailangang magsuot ng damit na paulit-ulit. It's embarrassing.



"Okay lang! Good luck sa lecture niyo!"  Paalam ko sa kanila.

"Sige bro! Good luck din sa first day mo! Enjoy-in mo lang ang mga chicks dito!"  Natawang sambit ni Andy. Chicks daw oh. Sira ulo talaga.

"Loko ka! Sige at nang maka-ligo na ako. May 2 hours pa ako bago mag-start ang first lecture ko." Paalam ko sa kanila. Nang-asar pa sila bago tuluyang umalis. Kahit bago palang ako dito, medyo naka-close ko na sila. Madali naman silang paki-samahan.

Kinuha ko ang bath towel ko at ang gamit ko panligo tapos dumiretsyo na sa C.R.  Tinanggal ko na ang saplot ko sa katawan at tsaka ko binuksan ang shower.

Pumikit ako habang dinadama ang pag-patak ng tubig pamula sa muka ko hanggang sa katawan ko. Biglang pumasok sa isip ko ang sinabi nung wierd na babae sa akin nung isang araw.

"Binalaan na kita! Tandaan mo mag-ingat ka! Hindi mo kilala ang nga taong umaaligid sayo! Huwag kang basta-basta magtitiwala!"

Gusto kong matawa sa sinabi niya. Pero sino ba namang matatawa kung sabihan ka tungkol sa kamatayan. Hindi naman sa takot akong mamatay. Everyone will die, and no one can scape from death. Ang nakakatakot lang ay kung saan ka pupunta after mong mamatay.

Tinanong ko na sina Andy tungkol sa babaeng iyon. Sabi nila Alice daw ang pangalan noon. Matalino at halata naman sa pagiging nerd niya. Minsan daw wierd daw talaga siya na parang nababaliw. Madami na daw siyang sinabihan ng gano'n at ang nakakapagtaka, lahay daw ng binalaan niya ay nawawala. Kaya mag-iingat daw ako. Pero curious parin ako kung totoo talaga ang sinasabi niya.

"Ano bang mayroon dito sa university na ito?" Sambit ko sa sarili ko. Tinapos ko na ang paliligo ko at agad ding nag-bihis. Cassual attire lang ang sinuot ko. Long sleeve at fitted na kaki pants. Tapos black shoes.

Aalis na sana ako nang makapag-ayos na ako nang biglang may tumawag sa phone ko.

*Phone Ringing*

*Phone Ringing*

Tiningnan ko ang screen ng phone ko at naka-lagay duon ang pangalan ni Lolo. 'Lolo is calling...'

DormitoryWhere stories live. Discover now