♠Prologue♠

137 7 9
                                    

Xander's POV



*BOOGSH* Nagising ako mula sa pagkakatulog ko dahil sa malakas na kulog at kidlat. Napansin ko na wala ang dalawa kong kasama sa kwarto namin kaya tiningnan ko ang phone ko para makita ang oras.



12:27am pa lang ah? Saan sila nagpunta? Nagsimulang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba.



*KRIIING KRIIING*

*KRIIING KRIIING*


*KRIIING KRIIING*

Napapitlag ako ng biglang mag-ring ang phone ko. Agad kong tiningnan kung sino ang tumatawag ng ganitong oras.



"Krizza?" Sambit ko ng makita na siya ang tumatawag sa phone ko. Pero bakit sa ganitong oras? Pinindot ko yung answer botton at inilapit sa tainga ko ang phone ko.



"Hello Babe? Anong problema?" Tanong ko nang may halong pag-aalala.




"BABE! TULONG! XANDER PUNTAHAN MO KO! ANDITO SIYA! PAPATAYIN NIYA AKO! TULONG! BILISAN MO!" Nagulat ako sa mga sinabi ni Krizza. Nagsimulang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba.



"Oh shoot! T-teka nasaan ka? Ju-just calm down! Magtago ka muna sa safe na lugar!" Natatarantang sambit ko sa kanya. Halos hindi ako magkamayaw ng gagawin dahil sa nangyayari.




"NANDITO AKO SA DORM! BILISAN MO! HINAHABOL NIYA AKO! " Rinig na rinig ko rin ang paghikbi niya dala nang takot.



"Oh sige pupunta na ako diyan. Please babe! Be safe!" Utos ko sa kanya.


"X-Xander?"




"Babe? Bakit anong problema?"




"X-Xander?"





"Hello babe? What's f***ing happening down there?" Kinakabahan kong tanong sa kanya.



"X-Xander tu-tu-tulungan mo-mo ako!" Ramdam ko ang takot niya sa kabilang linya kaya sobrang kaba, pagaalala at takot ang nararamdaman ng puso ko ngayon.




"Xa-Xander! Ahhh!! *Blaag*" tila sinaksak ako sa dibdib ng marinig ang boses niya sa kabilang linya. Anong nangyari?



"BABE! HELLO! CAN YOU HEAR ME?" Hindi ko maiwasang sumigaw dahil sa kabang nararamdaman ko.




DormitoryWhere stories live. Discover now