♠Chapter 3♠

17 0 0
                                    

Mr. Author: Hello guys, oto po ulit short update. Naayos na ulit cp ko eh. Laya ayon UD ulit.


Read/Vote/Comment

Xander's POV

Kanina ko pa pinipilit na makinig sa mga lesson. Pero walang pumapasok sa isip ko dahil hindi parin maalis sa isipan ko kung bakit ako binigyan ni Lolo ng baril. Last lecture ko na ito ngayong araw pero nasayang lang ang oras ko sa kaiisip sa 'gun thingy'  na yun. Hindi naman kami pamilya ng mga sindikato at wala kaming illegal operations na ginagawa. Pero bakit sinabi ni Lolo yun? Kill them before they kill me? What the?

"MISTER ALVAREZ!" Bumalik ako sa ulirat ng bigla nalang akong tawagin ng lectuter ko.

"Yes Sir?" Tanong ko. Napansin kong nakatingin lahat ng mata sa pwesto ko pero agad kong ibinalik ang paningin ko sa lecturer.

"Are you with us Mr. Alvarez? Kanina pa kita tinatawag pero nakatulala ka lang!" Inis na sambit ng lecturer habang nakatuon ang kanang kamay niya sa mesa sa unahan.

"I'm sorry Sir."  Sambit ko sa kanya. Tsk! Ayaw ko talaga nang napapansin. "Ma-may iniisip lang." Dugtong ko pa.

"Is it related to my subject?" tanong niya sa akin dahilan para kumunot ang nuo ko. Ano daw?

"I'm sorry sir?" Tanong ko sa kanya. I'm not slow pero hindi ko lang ma-gets ang pinupunto niya. Kanina pa siya nagbubunganga sa unahan pero wala naman akong naintindihan dahil sa iniisip ko.

"Yung iniisip mo, is it related to my subject?" He repeated.

"N-no sir. I'm sorry." Napayukong sagot ko sa kanya.

"Tsk! Well... Since na wala pang makasagot sa problem na ito sa klase niyo at hindi ka nakikinig, answer this question." Cold na sambit ni Sir. Usually kapag hindi mo nasagot ang tanong niya, masasabon ka niya at ipapahiya ka pa.

"Sure sir." Sagot ko. Pumunta ako sa unahan at in-annalyze ang formula. Lahat sila naka-tingin sa gagawin ko. Lalo na ang lecturer na parang bubuga ng apoy anytime. Kinuha ko ang whiteboard marker na iniabot niya. Good thing na whiteboard ang gamit dito. Ayaw ko kasi ng chalk. Madumi masyado.

Problem:
Find the sum of the first 20 terms of the arithmetic sequence -2, -5, -8, -11,...

Tsk! Bakit ba ito ang itinuturo niya. Eh pang-high school to eh. Basic Math. Tapos sabi niya walang makasagot? Eh kahit junior high school kayang kaya to eh. Paano sila nakarating ng college kung simpleng arithmetic sequence hindi nila kayang sagutin?

"Is there a problem Mr. Alvarez?" Tanong ni Sir at umiling lang ako. Ngumiti lang ako sa kanya at sinagutan ang problem sa board.

Answer:
S20= 20/2[2(-2)+(20-1)(-3)]=-610

Agad kong ibinigay ang whiteboard marker sa lecturer at dumeretso sa upuan ko. Napatingin naman ako kay Zyrus at naka-ngisi lang ito sa akin. Agad din naman niya iyong binawi at umubob sa desk niya. Tsk! Yabang talaga.

DormitoryWhere stories live. Discover now