vi.
Estrelya. . .
sa kailaliman ng gabing nababalot ng hamog,
sa milya-milyang paglalakbay ay natunton;
doon ko mismo muling nasilayan ang mga biloy—
nakatiwangwang!
Mahihinang tawa’y umalpas sa kanilang mumunting labi;
matatamis na mga ngiti.
Umaalingawngaw na bungisngis,
At. . .
Sa kauna-unahang pagkakataon—kumurba paitaas ang kanina’y patag na linya lamang.
Bumulwak ang halakhakan ng lahat; siyang saya.[...]
BINABASA MO ANG
LIMANG BINHI
PoetryIto ay isang akda na kung saan ay kolaborasyon ng dalawang makata.