xi.

13 4 0
                                    

xi.

Oras na kusang titigil kasabay ng paghangos ng takbo ng panahon. . .
Bumiyak ang mga ulap; iniluwa ang bukang-liwayway,
nagkaroon ng kapirasong sining ang buong magdamag kong pakikipagsapalaran, at papatakip-silim ko na ring buhay.
Kumislap ang liwanag, na siyang makapag-uudlot sa kanunog ng sumpang pinagkaloob.
Nagpulasan ang alapaap at nalipol ang simbolo ng bagong pag-asa,
nila. . .
ako. . .
Pinipigilan ang pagtakas nitong mga luha at habambuhay kong ikukulong sa puso ang alaala. . .
Ang dagok ay matatapos na sa paglawig sapagkat kahugpong ko ang mithi ng langit.
Mayamaya pa’y bumigay ang katawan,
at naramdaman ko na lang ang mga yakap ng labindalawang magkakapatid na anghel. . .
Lumukob na sa kanilang pagkatao ang pinagsama-samang emosyon na magkakaisa’t maghahari sa lupa;
At siyang tinatawag. . .ang pag-ibig!

[...]

LIMANG BINHITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon