x.

Yuyurakan—bitbit ang sisidlan ng ginintuang binhi;
isinaboy ko ang katiting sa kani-kanilang mga mata;
Ilang saglit pa’y umusbong ang kakaibang salamangka!
Dagli-dagling naparam ang kaninang emosyon!
Humulagpos sa kahapisan ng pisngi,
ang sinulak ng tubig sa balon—
tumatagistis—
nagba­batis!
Lahat ng pait,
pagkatalo,
pagkawalan,
at kasawian. . .
lahat—
ang balintataw ng kahapo’y kusang sumagi sa sisidlan—
nanlulumo—
tila’y isang labog na bulak; lumala mula sa pagiging masahol.
Bumalot sa bawat puso ng labindalawang musmos na kalul’wa ang kapanglawan;
mas masahol pa sa kahapon. . .
mas masahol pa sa mga nagdaang araw na hindi pa naghilom.

[...]

LIMANG BINHITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon