"ANG AKING IDOLO"

733 17 4
                                    


KnightInBlack yan ang pangalan na sa isip namin ay tumatak
Unang librong sinulat agad itong umangat
Nagtuloy-tuloy at ito'y sumikat
Ako'y bilib sa iyong kakayahan kaya ika'y aking hinahangaan

Minahal ka ng lahat dahil sa iyong imahinasyon
Talaga namang kahanga-hanga ang iyong kagalingan
Kami'y lahat ay saludo at taas noo kang hahangaan
Dahil kaw ang nagsilbing inspirasyon sa amin

Kami'y maghihintay kahit mahabang panahon
Mapakita mo lang ang mukhang aming inaasam
Hindi kami nagmamadali dahil kami'y nirerespeto ka
Pero sana balang araw isa ako sa makakita ng iyong magandang mukha

Isang fansigning malapit sa amin hindi ako nakapunta
Nakakalungkot mang isipin pero di ako mawawalan ng pag-asa
Pag-asa na makita at mahawakan ka
Gagawin ko ang lahat ng aking makakaya makita lang kita

Ginawa ko itong tula na ito hindi lang para sa wala
Ginawa ko ito dahil gusto kong ilabas ang aking nadarama
Ginawa ko ito para sa iyo dahil ika'y aking inspirasyon
Kaya sana mapansin at mabasa mo itong tula ko para sa iyo

MALAYONG TAGA-HANGATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon