Pag amin

332 7 0
                                    

Isang babae lang ako
Na may gusto sayo
Ngunit di mabanggit bangit
Ang nararamdamang ito

Babae ako
Lalaki ka
Sabi nila bawal manligaw
Ang mga babaeng tulad ko

Sabi nila
Lalaki dapat nanliligaw
Pero pano naman kaming babae
Na gusto ang mga lalaki ngunit di ito maisigaw

Kailan ba masasabi
Mga nararamdamang di matangi
Kailan ba, malayang maamin
Itong masayang damdamin

Hayaang masabi
Na pag ika'y malapit
Napapangiti ang aking mga labi
Oh sana nararamdaman ay akin nang mabangit bangit.

100 tula tungkol sa L.O.V.ETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon