Jake's POV
Salubong ang kilay ni Thunder na ngayon ay naka polo shirt na. Nakita niya siguro ang dala kong bagong suit and polo sa likuran ng audi para sa kanya.Patakbo na akong naglakad palapit sa passenger seat at sumakay.
"I'll drive if you...." panimula ko pero agad niyang pinutol ang sasabihin ko ng paharurutin niya ang sasakyan.
"Jeezzz..what's with the temper Thun?!" Natatawa kong reklamo halos sumubsob ako sa harap. Dali dali kong nilagay sa katwan ko ang seatbelt. It's going to be a joy ride man!
"I never thought wala kang taste sa babae Jake. Tsk! Tsk! Tsk!" Napapa iling nitong sagot,isinandig niya ang kaliwang siko sa bintana ng kotse at hinawakan ang chin niya habang ang kanan ay nanatili sa manibela.
Fuck Thunder! Just punch me if you're freaking jealous! You are way too obvious! Napapailing akong napangisi.
"What are you talking about dude?" Maang-maangan ko na tumingin sa kanya.
"Are you blind? You were hitting on her? she's way too plain and..and...nothing extra ordinary." Explain pa nito kumukumpas kumpas pa ang kamay. Seryosong seryoso na animo'y nakikita pa si Dione sa harap niya. Parang gusto ko tuloy matawa sa itsura niya ngayon hindi maipinta.
"You gotta be kidding me Thun..I think she's cool with her red hair and..gaaaddd..her.. her eyes..." pang aalaska ko pa pero kagyat niyang pinutol ang sasabhin ko ng bumirada na naman siya.
"Don't you dare look at her eyes Jake..take it from me it's annoying! Damn it!" Nagtiim bagang ito na para bang nakikinita pa ang mga mata ni Dione.
Oh boy! He's totally into her! Madami na akong nakitang mga babaeng nakasama niya after his serious heartbreak kay Niki but ngayon lang siya nag react at madaming nasabi sa isang babae.
"What's annoying about her eyes? I think I found her rolling of the eyes very annoyingly enticing." Natatawa ko pang pang aalaska. Alam ko anytime soon sasabog na ang temper niya.
Biglang tumapak si Thunder sa brake at talaga namang buti na lang nagsuot ako ng seatbelt.
"Jeez! What's wrong with you man?!" Asik ko sa kanya! And to my surprise sa gitna ng highway siya nag brake! Fuck! This is serious!
Humihingal na tumingin sa akin si Thunder at nagtiim bagang. Parang may gustong sabihin napa awang pa ang labi ngunit hindi rin naman nagsalita.Come on Thunder,say it, say that you freakin like her and that she's yours!.
Nagsimula ng bumusina ang mga commuters na nakasunod sa likuran namin. Yung iba sumisigaw pa at nagmumura.
"What the heck Thun? Drive!" Sita ko sa kanya.
His lips pressed into a hard line at saka nagsimulang magdrive. Pinaharurot talaga niya ang kotse.
"Come on dude? What's making you angry?" Napapalatak kong tanong kahit na alam na alam ko naman na ang sagot. Gusto ko kasing aminin niya. Simula kasi ng maghiwalay sila ni Niki naging mainitin ang ulo nito at bihirang ngumiti. He dated girls pero never na sineryoso,pag nagsawa na siya or nagiging clingy na ang babae binabasura na niya. Laging sinasabi niya na pare-pareho lang sila, at wala ni isa man ang kakaiba. Alam ko kung ano ang hinahanap ni Thunder sa babae, maganda,modest, matalino,malambing, clingy pero yung sakto lang, magaling magluto, yung siya ang unang tatawagan pag merong kailangan at yung tipong makikipag debate sa kanya pero in the end kaya niyang pasunudin and that was Niki. But she's gone,she left him. I know he hates her but siya pa rin ang hinahanap ni Thunder sa lahat ng mga babaeng nakilala niya at makikilala pa lang.