Troy's POV
Ilang segundo pa akong nakatingin sa nakasarang pintuan ng flat ni Dione.
Is she really will be okey? Nag-iisa siya, ayokong mag-isa siya.
I was about to press the buzzer ng merong nagsalita sa likuran ko.
"If you don't want to annoy her..don't press that button."
I literally froze. Bakit parang may lungkot sa boses niya. For a moment I forgot I am not alone. Humarap ako sa kanya. Seryoso siyang nakatingin sa akin, matalim ang mga titig at biglang tumaas ang gilid ng labi niya.
"You like her..do you?"
I clenched my jaw. Ano bang alam niya sa nararamdaman ko. Yung tingin niya na parang nang-uusig, na para bang may kasalanan akong nagawa, na para bang nasasaktan siya...nanunuot sa pagkatao ko.
"You'll forget her..eventually." She smirked at naniningkit ang mga mata. Why I found her eyes so relaxing yet very dangerous at the same time? Damn you woman. Ibang iba ang dating ni Dione, yung tingin pa lang niya parang nakikita mo na ang matayog at makapal na pader sa pagitan niyo, it will keep your knees trembling pero pag ngumiti siya mas lalo kang nenerbyosin. Pero ang babaeng ito, hindi ko alam kung ung chinita niyang mata or ang ngiti niya ang mapanganib pero there is something gentle on it. Why am I comparing her to Dione?
"You're talking too much." Naiirita kong sagot.
"Let's go..mi amore." Malambing na aya nito naniningkit ang mga mata na naka ngiti.
"Call your driver. I am not going anywhere with you." Tugon ko saka inunahan siyang maglakad pababa ng flat ni Dione. Sumunod lang siya at naiinis ako sa tunog ng stilleto niya.
"Mag-commute na lang ako." Biglang sabi nito ng makalabas kami ng main gate ng bahay. Napataas ang kilay ko.
Nababaliw na ba siya? Sa ganitong oras? At sa suot niyang yan magco-commute siya!? Crazy!!!
Napaharap ako sa kanya sa sobrang inis. Kumunot-noo ako dahil naka puppy eyes ito at naka-smile. Damn it she's cute!That chinita eyes and that body...no wonder madami siyang napapa-amo na guys. Pero hindi siya challenging for me. I knew women like her, classy yet flirty and easy-go-lucky heiress. Typical attention-seeker brat! Malayong malayo siya kumpara kay Dione na napaka simple lang pero malalim ang personality, simpleng ganda pero ang lakas ng dating, kayang kaya niya akong pa-amuin sa isang ngisi at titig lang. She made me crave for her eventhough I never had a peice of her. That's my kind of girl. Hindi ang isang to sa harap ko na wala yata alam sa buhay kundi magshopping, mag make up at maging maarte.
"I know right.. I am more attractive than her." She winked at me.
I chuckled. Grabe ang confidence niya!
"So.. are you going to analyze every pro's and con's..profits and losses? You gain so much more already...with.me."Naglakad ito papalapit sa akin, hindi inaalis ang mga mata sa akin. Now she's venomously looking at me like I am her prey.
Napahawak ako sa magkabila kong bewang ng halos ilang dangkal na lang ang layo namin sa isa't isa. Pero hindi pa rin ako makapag salita. Badtrip! Natameme ako.
"You're drooling..mi amore." She whispered in my ears and walked pass me.
Nanindig ang balahibo ko.
"Not even in your dreams!" Asik ko.
"Oohh..you have no idea what you were doing in my dreams." Natatawang sagot nito.