Chapter 5

8 0 0
                                    

Dione's POV

After that night na sagutan namin ni Thunder ay hindi ko pa ulit ito nakikita maging ang mga bodyguards sa labas ng kwarto ko ay wala na. Nakatayo ako ngayon sa may terrace nagpapa hangin. Hindi ko alam bakit ganun na lang siya manghimasok sa buhay ko. Nasaktan tuloy si Troy, na hanggang ngayon ay hindi pa rin dumadalaw sa akin. Madi-discharge na ako mamayang hapon sabi ni Hailee. Tama kayTroy na lang ako magpapasundo para makausap ko din siya.

Agad kong dinial ang number ni Troy sa cellphone ko. Naka ilang ring pa bago may sumagot sa kabilang linya.

"H-hello...?"halatang nagising ko siya sa boses niya ngayon.

"Good morning sleepyhead.." pinilit kong maging masigla ang boses ko.

"Morning Dy..." sagot nito.

"Sorry nagising kita."

"It's okey. Kamusta ka na?" Halatang gising na gising na ang boses nito.

"I'm better..madi-discharge na ako mamayang hapon." Medyo nag-aalangan kong sagot.

"That's good news." Masigla na ang boses nito.

"Yeah..uhmm.." nakatingin ako ngayon sa mga mga kotse na naka park sa baba habang naghahanap ng sasabihin.

"Dy...?" Pukaw nito halatang naghihintay din ng sasabihin ko.

"A-ano..kasi..." shit sobrang nahihiya ako ngayon sa kanya!

"Come on sweetie..don't be shy..he he he!" Natatawang usal nito.

Napangiti ako kasi katulad na ulit siya ng dati..ganun siya kapag naglalambing sakin he calls me sweetie kaya nawala na ang inhibitions ko.

"Can you fetch me later?" Diretso kong tanong ngiting panalo ako ngayon.

"Ha ha ha! Yun lang pala eh. I'm glad you ask. Sure,anong oras ka ba lalabas later?" Natatawang tugon nito.

"Siguro 6 pm? I am not so sure sa oras but I'll ask Hailee na i-discharge ako ng maaga. Nabuburyong na ako dito eh." Reklamo ko sa kanya.

"Aminin mo na..na miss mo lang ako!" Biro nito.

"Kapal! Ha ha ha! Get up and sweat it out!" Natatawa kong tugon.

To be honest namiss ko naman talaga siya eh lalo na at alam kong nasaktan ko siya. Alam kong nagselos siya nung sabihin ng damuhong Thunder na yun na dalawang beses na itong nakatuntong sa bahay ko. Kasi maliban sa kanila ni Jay ay wala na akong ibang lalaki na pinapatuloy sa bahay ko not even mga suitors or dates ko before. They know me, and one of my rules yun. Once I brought a man in my house it's going to be serious but of course exception sila ni Jay kasi barkada ko sila.

"Already up when I heared your voice..and yes I'm going to sweat it out." Makahulugang biro nito. Na gets ko naman ang ibig niyang sabhin. Nag-init ang tenga ko.

"You're gross Troy! Kutusan kita jan eh!" Angil ko sa kanya.

"What!? Ano bang iniisip mo?" Natatawang alaska pa nito.

"Ang aga-aga kung ano-anong iniisip mo!" Sagot ko.

"Bakit? Ano bang iniisip ko? Baka ikaw tong merong hindi magandang iniisip sa akin?" Maang-maangan na sagot nito.

"Ako pa talaga? Eh ikaw nga itong malisyoso diyan!" Depensa ko na talagang namumula na ako sa hiya.

"Ano bang malisya dun? I'm already up and.... yes..ikaw ang una kong naisip kasi ikaw ang kausap ko and... yes I'm going for a jog to sweat it out! Ha ha ha!" Halakahak nito pagkasabi. Alam niyang napipikon na akosa hiya.

Casa Bellona: Dione (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon