CHAPTER ONE

8.2K 141 11
                                    

"ISA PA!!! ISA PA!!!"
"ANCHOR!!!"

Halos magiba ang buong treatrino sa lakas ng sigaw at palakpakan ng mga manonood sa concert ng pinakasikat at multi-talented star na si Calliope. Ito ang handog niyabsa kanyang mga fans, sa suporta nila sa loob ng 11 years niya sa showbiz.

Pagkatapos ng huli niyang kanta, pumasok ito sa backstage kung saan ay nagretouch ng make up at inayos ang kanyang buhok.

"Ready?" tanong sa kanya stage manager habang inaabot sa kanya ang mikropono. Tumango ito bilang sagot at huminga ng malalim.

Muling nagsigawan at nagpalakpakan ang mga tao lalo na't nagsimulang tumugtog ang bagong awitin niya.

"Akala n'yo siguro matatapos ang gabing ito nang hindi ko ito kinakanta. For 11 years, nandirito pa rin ako dahil sa inyong lahat. Sa pagmamahal at suporta ninyo ng walang katapusan. Thank you. Thank you so much everyone. This song is for all of you. Sabayan ninyo ako!

Every one cannot contain their excitement as they watch and jam to the last performance of their favorite artist for tonight's concert. Minsan ay itinututok ni Calliope ang mic sa kanyang mga audience to let them sing na tuwang-tuwa namang ginagawa ng mga fans.

Sa bawat galaw ni Calliope sa entablado, sinasabayan siya ng kanyang mga tagahanga. Balewala sa kanila ang malalayong distansya na pinagmulan ng iba sa kanila. Basta't ang importante ay nakita at nakama nila ng personal ang kanilang idolo sa selebrasyon ng kanyang anibersaryo.

"WOOOOH!!! CALLIOPE!!! I LOVE YOU!!!!" sigaw ng isa sa kanyang tagahangang lalaki na nakapwesto sa harap ng stage. Sa kasabikan nito at hindi mapigilang umakyat at sumayaw sa tabi ng kanyang idol.

Akmang lalapit sana ang dalawang lalaki may malalaking katawan na nakakubli sa gilid ng stage ngunit sumenyas ang kamay ng singer upang pigilan sila. Gusto niyang pagbigyan ang kanyang tagahanga at mukhang gusto lamang nito na makisayaw sa kanya. Wala nga namang masama doon. Sayaw lang naman. Sumunod ang dalawang lalaki ngunit hindi nila inalis ang mga mata sa tagahangang umakyat ng entablado habang patuloy ang performance ng actress/singer.

Ngunit naging mapusok ang tagahanga. Pumwesto ito sa likuran ni Calliope habang sumasayaw at hinawakan ang magkabila nitong gilid, pilit na hinila padikit sa kanyang harapan. Muling lalapit sana ang dalawang lalaki sa gilid pero muli silang sinenyasan ni Calliope. Ayaw nitong masira ang kanyang huling pagtatanghal. Patuloy itong umawit while forcing the man's grip off her, at nang mapansin ng mga dancers nito na ayaw bumitaw ng lalaki, lumapit sila dito habang sumasayaw at hinila without making other audience suspect of anything.

Pumalag ang lalaki sa dalawang dancers ang humila dito pero hindi nila hinayaang makawala ito sa kanilang pagkakahawak hanggang makarating sila sa gilid kung saan naghihintay ang dalawa pang lalaki na malalaki ang katawan.

"Ano ba?! Gusto ko lang naman makasayaw si idol! Bitiwan ninyo ako!" nagpupumiglas nitong sambit.

"Hawakan ninyong mabuti!" sigaw naman ng isang babae sa di kalayuan. Ang Road Manager ni Calliope, si Raquel.

Pilit na nagpupumiglas ang tagahanga. Sa kapayatan nito, maliksi at malakas ito na hirap ang tatlong lalaki humahawak sa kanya. Hanggang sa nagawa nitong makawala at mabilis na tumakbo pabalik ng entablado.

BLAG!!!

Mula sa itaas, isa sa mga makukulay na ilaw ang nahulog kasunod ang mahabang kurdon ng kuryente na direktang bumagsak sa lalaking tagahanga ni Calliope habang ang dulong kurdon ay tumama sa binti ng sikat na singer.

Ang ibang mga manonood na nasa bandang likod ay nagmamadaling nagsilabasan. Ang mga nakapwesto na malapit sa entablado ay dali daling nagsiatrasan habang ang iba naman ay umakmang aakyat sa para tulungan ang kanilang idolo na nagdurugo ang binti. Mabilis naman nahupa ang pagpapanic ng ilang nang makita ang lalaking nakahandusay, walang buhay at duguan. Ang tagapangasiwa at ang mga security guards ang humarang sa harapan at ang mga tao sa backstage ang rumisponde kay Calliope.

The FanWhere stories live. Discover now