Nakayukong lumuluha habang taimtim na nagdarasal ng pasasalamat. Isang utang na loob na habambuhay niyang tatanawin dahil sa pagligtas ng isang taong mahalaga sa kanyang buhay. Pakiramdam niya ay nawalan siya ng isang parte ng katawan sa pagkawala ng isang taong kanyang minahal.
"Hindi mo dapat iyon ginawa. Hindi ka dapat nawala sakin," bulong ng kanyang isipan habang ang kanyang mga kamay ay mahigpit na kumakapit sa arm rest ng kinauupuang wheelchair.
Makalipas ng ilang buwan matapos ang nangyari sa kanila, hindi niya maiwasang sisihin ang sarili. Nadamay ang mahahalagang tao sa buhay niya. Hindi lamang siya ang nagkaroon ng peligro, kundi pati ang mga taong minahal at napamahal sa kanya.
Pati ang pansamantalang kakayahang lumakad ay nawala matapos na tumama sa kanya ang tumilapong hood ng sasakyang sumabog sa kanyang binti.
(flashback)
Glaiza had no choice but to abide what she was asked to do. The gun's mouth is directly pointed on her right temple, and with the handler's state of mind, any moment he can blow her head inside the vehicle.
Sa pagbuhay niya ng makina ng sasakyan, agad niyang pinaharurot ito ayon na rin sa utos ng utak ng lahat ng kanilang pinagdaanang hirap.
"Sumuko ka na! Wala ka nang pagtataguan pa. Kahit ilang beses kang magpalit ng mukha, hinding hindi mo matatakasan ang batas,"
"Hindi ko kailangang magpalit pa ng mukha dahil tutuluyan muna kita bago ako mahuli!" lalong idiniin ang baril sa sintido ng kanyang hostage.
Sa agarang pagtakbo ng sasakyang minamaneho ni Glaiza, agad na sumakay ang mga alagad ng batas, sina Rhian at ang tiyuhin nito upang habulin ang suspect at ang hostage nito. Pero hindi pa man din nakakatakbo ang ang mga mobil, isang malakas na pagsabog ang kanilang narinig. Hindi na natuloy pang isara ni Rhian ang pinto ng sasakyang pinasukan. Muli itong lumabas.
Her eyes widened at the sight of the car exploded with the bright colors of the fire. Tila automatic na kumilos ang kanyang mga binti na tumakbo patungo sa sasakyang sumabog. Tumakbong sumunod din sa kanya ang isang SAF upang hilahin siyang pabalik.
Bukas ang kanyang bibig ngunit walang boses na lumalabas. Mabigat na tila sasabog ang kanyang dibdib sa kanilang nasaksihan. Everything moved in slow motion maging ang apoy na bumubulusok pataas kasabay ng bawat bakal na parte ng umaapoy na sasakyan lulan ang kriminal at ng babaeng pinakamamahal.
"RHIAN!" sigaw ni Tito Ronnie pero huli na upang iligtas ang pamangkin when the exploded car's hood landed on Rhian.
Sa pagbagsak ng dalaga agad siyang sinalo ng lalaking sumunod sa kanya ngunit nadale ng pabulusok na hood ang kanyang binti.
(end of flashback)
"Hija," pagtawag ni Tito Ronnie kay Rhian na nagpabalik ng kanyang ulirat. "We have to go. Kailangan na nating magpunta sa therapy mo. If you want to get back on your feet, you have to regularly attend your PT appointments. Your fans has been waiting for you for months,"
"Tito, I don't feel like going back to showbiz. I want to be an ordinary person. Walang cameras. Walang attentions. Walang sigawan. I just want to have a normal life. Kaya ko lang naman gustong mag-artista kasi I want to know the guy who killed ate Maxene and make him pay,"
"And you did. He is gone now. And I am sure that he is paying his crimes in hell. Pero if you want to quit showbiz, then so be it,"
"Thank you Tito. I think its time na pagtuunan ko ng focus ang negosyong iniwan nila papa at mama,"
"I think so too. Dapat ay magpaalam ka sa mga fans mo. Sigurado akong maiintindihan nila kung bakit mo kailangan talikuran ang pag-aartista. How about a farewell concert? Last mo na rin naman ito, why don't you give them your best last performance?"
YOU ARE READING
The Fan
FanfictionA famous celebrity worshipped by all... A shadow who is obsessed with the star... Will the shadow be a foe... or A deliverer...