Chapter 25

1.7K 74 51
                                    

Glaiza drove straight. Hindi niya alam kung saang parte siya ng Pilipinas dinala pero ang mga madamong lugar na kanyang nadadaanan tells her na nasa isang probinsya siya.

***Insp. Pascual, 10-20 (radio code for location)*** mula sa isang black box nagmula ang boses. ***Insp. Pascual, 10-20 (radio code for location)***

Hindi na sumagot pa si Glaiza. Sigurado siyang naitimbre na ni Pascual ang kanyang pagtakas kaya't hinila niya ang kurdon ng radio connecting sa power supply nito.

As she drives, nakakita siya ng grupo ng mga traysikel drivers na naghihintay ng pasahero. Pinabagal niya ang jeep hanggang sa huminto siya sa harap ng mga ito.

"Mga boss, pwede nyo bang sabihin kung saan ang daan pabalik ng Manila. Naliligaw na yata ako kasi hindi ko maintindihan yung direksyong ibinigay sa akin ng mga kasama kong sundalo," pagsisinungaling niya. Nagkatinginan ang mga lalaki habang ang isa sa kanila ay nakatingin lang kay Glaiza na tila nagdududa sa kanyang sinabi.

"Ah miss, san ka ba nanggaling? Sa safehouse ba sa Naic?" tanong naman ng isang matandang lalaki.

"Naic? Nasa Cavite ako," sambit niya sa kanyang isipan. "Ah eh, opo. May nagradyo kasi sa kanila na papuntahin ako sa...." nag-isip ito ng lugar na may mga sundalo rin pero iisang lugar lang ang alam niya. "...sa Camp Aguinaldo,"

"Madali lang ineng, diretsuhin mo lang ang daang tinatahak mo labas mo niyan Parañaque tapos kakanan ka papuntang Pasay tapos..."

"Alam ko na ho pagdating ng Parañaque. Salamat po," agad na pinatakbo ni Glaiza ang sasakyan na hindi na hinayaan pang patapusin ang matanda na bigyan siya ng direksyon.

Muling bumyahe ang dalaga papuntang Manila gamit ang service road. Habang nagmamaneho, iniisip niya kung saan siya dapat tumuloy. Posibleng ang mga binabantayang lugar na maaari niyang puntahan ay ang martial arts school at ang mismong bahay niya. Hindi siya maaaring bumalik ng Sibuyan dahil mag-aalala ang kanyang mga magulang at maaaring hindi na siya nito payagan pang kumilos upang iligtas ang kasintahan at kung sakali mang hayaan siya ng mga magulang, wala naman siyang pera para makabili ng ticket papuntang isla.

"Teka, bakit kailangan kong umiwas at magtago? Wala naman akong ginawang krimen. napatunayan kong hindi sa akni nanggaling ang video na kumakalat tungkol kay Rhian. At bakit ba kailangan nila akong idetain? Kung may banta man sa buhay ko, kaya kong depensahan ang sarili ko," sabat nito sa sarili and decided na umuwi sa kanyang tirahan upang kumuha ng gamit.

Halos dalawang oras at kalahati ang byahe papuntang QC dahil na rin sa traffic. palubog na ang araw ng makarating siya sa kanyang apartment. Nang maihinto ang sasakyan, tahimik ang buong kapaligiran na tila lahat ng kanyang mga kapitbahay ay nagsitulog na. kahit mga bata sa kalsada ay walang nagtatakbuhan. Nakaramdam ng kaba ang dalaga dahil sa ganung oras ng gabi ay mga mga bata pang naglalaro. Nagmistulang ghost town ang kanilang lugar. Tinalasan niya ang kanyang pakiramdam sa kung anumang bigla na lang na lilitaw sa paligid.

She was able to enter her house without any trouble. Walang surprise attack mula sa loob ng bahay except sa mga gamit na out of place dahil sa mga sundalong naghanap ng kahit anong magagamit nila bilang ebidensya laban sa kanya at kinuha ang kanyang laptop. Agad niyang tinungo ang cabinet kung saan nakatago ang pinaglalagyan niya ng kanyang emergency money, kumuha ng damit pampalit at pampaligo.

While cleansing herself, nagiisip si Glaiza ng plano kung paano niya ililigtas ang kasintahan, Hindi niya alam kung saan niya ito pupuntahan or kahit posibleng pinagtaguan ng tiyuhin nito. Tanging ang bahay nito sa Batangas ang alam niya at imposible namang bumalik sila doon dahil malamang na pinuntahan na iyon ng mga pulis o sundalong naghahanap sa matandang Hernares.

The FanWhere stories live. Discover now