Ako si Divine Smith, lima kaming magkakapatid at puro kami babae.Mahirap lang kami.Ang aking mga magulang ay laging nag-aaway at na-uuwi sa hiwalayan, and then magkakabalikan ulit. Hiwahiwalay kaming mag kakapatid, ang panganay na si ate Joya nakatira sa lola ko sa mother side. At ang bunso naman naming si Pamu ay sa lola ko sa side ng father ko. Kaming tatlo ng aking kapatid na si Ate Diane na pangalawa sa amin at ako ang pangatlo sa magkakapatid, at ang pang apat namin ay si Kim. Kahit hiwahiwalay kami ng aking mga kapatid nagkakasundo naman kami paminsan minsan.
Kaya laging nag hihiwalay ang aking mga magulang dahil hindi na minsan matiis ng aking ina ang aking amang lasengo, sugalero, babaero, lahat na yatang bisyo ay nasa kanya na. At ang aking ina naman ay isang guro, at nag tuturo sa malayo sa bahay namin, kaya siguro don nya pinili na magturo para mapalayo sa aking ama at maiwasan ang pag-aaway. At umuuwi nalang tuwing friday ng gabe. Tapos lagi naman mag-aaway. At dahil sa hindi nakauwi ang aking ina ng friday, kaya Pag uwi ko galing sa school naratnan ko na nag aaway na naman ang aking ama at ang aking ina.
Siguro may lalake ka kaya sabado kana nakauwi, tapos nagpapaganda kapa.
Wala akong lalake, baka ikaw ang may babae tapos sa akin mo ibibintang ang gawain mo.
Dahil sa sinabi ng aking ina, sinampal ito ng aking ama. At akmang susuntukin si mama kaya hindi na ako nakatiis tinulak ko sya at hinarang ko ang aking sarili sa mama ko para hindi saktan.
Lumayas ka dyan kung ayaw mong matulad sa ina mo.
Hindi ako natatakot sayo palagi mo naman yan ang ginagawa mo sa amin kapag lasing ka.
Aba sumasagot sagot kapa, wala kang respeto sa akin.
Oo nawala ang respito ko sa inyo dahil sa kayo na rin naman ang may kasalanan kung bakit nawalan ako ng respeto sayo.
Galit sa akin ang aking ama dahil hindi ko sya sinusunod sa mga gusto nya, kung ang mga kapatid ko ay parang mga berhen ako naman ay pasaway na anak kaya siguro sa aming magkakapatid sa akin lang sya galit... Sabi ng lola ko parihas daw kami ng ugali hindi sumusunod sa mga magulang. Kaya siguro hindi nya rin ako masaktan dahil nakikita nya ang sarili nya sa akin.
Marami akong barkada sa school at laging na kikick out dahil sa pasaway nga ako. At ang Mama ko naman ang gagawa ng paraan para makapasok ako sa ibang school. Fourth year high school na ako ng ma kick out na naman ako sa pinapasukan ko, dahil hindi ko maka sundo ang teacher ko sa math... at nakipagsagutan ako sa kanya kaya ayon napalayas na naman ako ng school. At dahil sa anak ako ng isang teacher kaya naka pasok pa ako sa ibang paaralan yon nga lang, sa mga taponan ng mga nakikick out na studyante. Hindi maiiwasan na sa isang room ay may magkakabanggan dahil sa pagalingan. Mayron akong naging teacher na naging favorite ako sa school, teacher namin sa math, Di ko alam kung bakit ako palagi ang tinatanong sa mga question nya sa amin, siguro dahil nasasagot ko lagi ang mga tanong nya. Hindi ko alam may nagagalit na pala sa akin.
Denniese: Ang yabang naman ng transferee na to. akala mo kung sinong matalino. Baka magaling lang naman sa Math pero pag dating sa ibang subject e bobo naman...
Dahil sa inis ko binalikan ko sya para itanong kung anong problema nya at bakit galit sya sa akin. E wala naman akong ginagawang masama. Hindi ko na kasalanan kung ako ang favorite ng teacher namin.
" Miss may problema kaba? bakit ka bulong ng bulong dyan, e naririnig ko rin din naman. kung may reklamo ka sa akin about sa pakikitungo ng teacher natin sa akin, sya ang tanongin mo.
Denniese: Ang yabang mo kasi akala mo kung sino kang matalino."
" Bakit sinabi ko bang matalino ako? at bakit ako lagi ang tinatanong ng teacher natin? Ibig sabihin non. Dahil siguro nakikita ng teacher natin na kaya kong sagutin ang tanong nila.
At hindi na nag salita ang classmate ko. Mayron akong manliligaw na 2nd year high school palang ako ay nanliligaw na. At dahil sa lagi ko syang binabasted kaya naman tumigil na rin sa panliligaw. At mayron nalang syang pinakilala sa akin si Jerecho. At hindi nag tagal itong si Jerecho ay nanligaw na rin... masaya syang kasama lagi nya akong pinapasaya at lagi nya akong binibigyan ng flowers, kahit hindi sila mayaman gumagawa ng paraan mabigyan lang ako ng kung anong gusto ko na alam nyang magpapasaya sa akin. kaya naman sinagot ko na sya.
Pauwi na ako sa amin at dahil sa hindi ako masusundo ni Jerecho kaya mag isa akong nag lalakad pauwi, ng may biglang nag preno ng kotse at dahil sa may tubig sya huminto at sa harap naman ako kaya naman tumilansik sa damit ko at sa mukha ko ang tubig at narumihan ang damit ko. At bumaba ang nag mamaneho ng kotse.
Slater: Sorry miss, hindi ko sinasadya.
Divine: Ano ba yan! hindi kasi nag iingat at hindi tumitingin. Nakakainis ang dumi na tuloy ng damit ko buti nalang pauwi na ako.
Slater: Sorry talaga. Ito panyo marumi kasi ang mukha mo.
Divine: Eh sino ba ang may gawa nito? diba ikaw?
Slater: Kaya nga sorry na, halika punasan ko mukha mo.
Divine: Wag na ako nalang, may panyo naman ako.. baka mamaya ang panyo mo kung saan mo na yan pinunas tapos ipapagamit mo sa akin.
Slater: Wag kang mag alala malinis ito.
Divine: Wag na sabi. Asan na ba yon. letse hindi ko makita.
Slater: Ito na nga.
" At pinunasan na ni Slater ang mukha ni Divine dahil hindi makita ang panyo ni Divine "
Slater: Oh ayan ikaw na mag patuloy.
Divine: Salamat.
" At tinalikuran na nya si Slater habang pinupunasan ang mukha gamit ang panyo na binigay ni Slater "
Divine: Nakakainis, ang dumi ko na, nakakahiya ang dumi na ng damit ko, at ang lagkit pa sa mukha.
Slater: Miss, ihahatid na kita.
Divine: Wag na, malapit lang ang bahay namin.
Slater: Ako nga pala si Slater, nakatira sa kabilang subdivision. Anong pangalan mo?
{ Ito ang sinula ng Slavine ( The Decision ) Story.} Wala kasi ako ma update don sa We're Destiny kaya pinost ko nalang tong The Decision ito yong next ko na ff sana... I hope you like it too.