Chapter 16

138 2 7
                                    

Ng puntahan ni Divine ang agency na pinag aplayan nya papuntang canada ay sarado na ito... iyak sya ng iyak dahil sa niloko sya at ng makita nyang sarado na ito. Hindi nya alam kung saan sya pupunta ng mga oras na yon dahil sa magulo ang isip nya dahil sa malaking halaga ang nawala sa kanya at inutang nya lang ang iba. Lakad ng lakad si Divine hanggang sa mapadaan sya sa simbahan sa baklaran at pumasok sya don at naupo habang umiiyak.

Divine: Bakit naman napakamalas ko sa buhay? ano bang mali sakin? ano bang dapat kung gawin? ayaw kong umuwing talunan ayaw kong may masabi ang pamilya ni Slater na aalis alis ako tapos hindi ko naman pala kaya. Pero ano nga ba ang dapat kong gawin? hay balahala na nga...

Hapon na ng maisipan ni Divine na lumabas ng simbahan at muling nag lakad lakad sa pag lalakad nya may nakita syang maraming tao at pumasok sya para alamin kung ano ito, at nakita nga nya ang Staff Employment Agency at nagtanong kung anong bansa ang available na madaling puntahan, at sinabi naman ng mga staff doon na hong kong ang mabilis na makapag process ng mga papeles para makapunta ng abroad, ang ginawa ni Divine ay nag apply sya at binigay ang resume at nag pa interview. Tapos ng mainterview si Divine at tinanong ito ng may ari ng agency na kung sigurado ba ito na gustong mag trabaho bilang katulong sa hong kong dahil sa nakita nyang record isa itong licensed nurse at may mga experience na rin ito.

Manager: Sigurado kaba mrs Young na gusto mong mag apply bilang katulong sa hong kong?

Divine: Wala na po kasi akong pag asa na makapunta sa canada ng madalian dahil sa pinag aplyan ko dati na scum ako at ang masaklap pa nito alam ng mga pamilya ko na tuloy ang alis ko sa susunod na buwan na papuntang canada.

Manager: Nalulungkot ako sa sinapit mo, sa totoo lang mahirap talagang makapunta ka ng canada kung wala kang experience sa abroad na nag trabaho ka matagal pag dito ka nag apply papuntang canada.

Divine: Yon nga po ang plano ko ang mag apply na muna sa ibang bansa and hong kong is good opportunity para makapunta ako ng canada.

Manager: Tama ka dyan...

Divine: Ilang buwan naman po pala malaman ko po ang resulta ng pagaaply ko po dito sa inyo.

Manager: Tatawagan kita pag may amo kana para sa contranta.

Divine: Sige po.

Umuwi na si Divine at hindi naman sya umaasa pa na tatawagan sya ng agency na pinuntahan nya at pinag applayan, hindi muna nya pinaalam sa mga magulang nya ang sinapit nya dahil ayaw nyang pagsalitaan ng papa nya dahil sa katigasan ng ulo nya. Gusto ng mga magulang ni Divine na umuwi na sya ng probensya at magsama sila ni Slater ngunit hindi nya pinapakingan ang mga ito dahil sa ayaw na nyang umasa na mag sasama pa sila ni Slater.

After 2 weeks pinapagreport si Divine sa agency na pinag applyan nya at sinabi na may pumirma na raw sa kanya na amo at hihintayin nalang ang sagot nya kung magugustuhan din nya ang magiging amo nya at agad naman na sinabi ni Divine na gusto na nya ito dahil sa gusto na rin nyang umalis ng bansa.Sinabi ng manager ng agency na hintayin nalang nya ang visa at habang nag hihintay sya ng visa kailangan nyang mag training at mag PDOS at mag pamedical. Ginawa naman lahat ni Divine at tinanong sya ng agency kung ano pano ang pag babayad nya sa placement fee, At ang kinuha nya ay ang e dededuct nya sa monthly salary ang bayad sa agency at ito nga ay ang 6 months to pay. Nag advance lang sya ng 30, 000 para mapadali ang pag alis nya. After 2 weeks lumabas na ang visa nya at may ticket na rin ito at sa next week na ang alis nya kaya agad nyang sinabi na sa pamilya nya ang totoo, wala ng magagawa ito dahil sa nangyari na ang sinapit ni Divine na niloko sya ng agency na pinag aplayan nya papunpuntang canada, Ang last na tinawagan nya ay si Slater.

Slater: Hello?

Divine: Hello, Slater si Divine ito.

Slater:Oh bakit ka napatawag? tuloy na ba ang alis mo papuntang canada?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 02, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Slavine ( The Decision )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon