Prologue

22.6K 383 105
                                    

Tama nga ang kasabihang mahirap lokohin lalo na ang sarili. Isa ako na nagpapatunay sa kasabihang ito. Sino nga bang mag-aakala na ang isang tulad ko na may mataas na pinag-aralan ay may itinatagong malaking insecurities sa sarili?

Isa akong CPA-Lawyer. Bagamat nakapagtapos ako sa 'di gaanong sikat na pamantasan sa Pilipinas, napabilang naman ako sa sampung nangununang board passer sa larangan ng Accounting at bar topnotcher sa nagdaang pagsusulit para sa abogasya. Ito na sana ang hudyat para sa magandang simula ng aking buhay. Hindi ko alam, ito pala ang simula ng aking kalbaryo.

Nandito ako ngayon sa mala-palasyong tirahan ni Oscar Zamora, isa sa mga tinaguriang mayamang angkan sa Pilipinas. Hindi ko maiwasang mangimi sa sarili habang nililibot ng aking paningin ang magara at maalwang paligid.

Mahigit tatlumpong minuto na rin siguro akong naghihintay. Nasa gitna ako ng pagmumuni, kung maghihintay pa o aalis na, nang may narinig akong ingay mula sa pasilyo.

Tumambad sa aking paningin ang isang babae at isang lalaki. Sa kilos pa lang ay halata nang mayaman sila pero mukha silang matapobre. Lalo akong nangimi sa sarili. Kasabay niyon ang mabilis na pagtahip ng dibdib ko, heto na naman ang insecurities ko. Huminga ako nang malalim, tumayo mula sa pagkakaupo at ngumiti. Iyong ngiting pambati - tipid, not overtly friendly pero courteous.

"Oh my! I can't believe how hot it is outside!" sabi ng magandang babae, sabay baling ng tingin sa akin. "There you are! Could you please bring me a glass of orange juice? How about you Trevor, do you want something?" tanong sa kasama niyang lalaki.

Napagkamalan akong helper!

"Yeah, just a bottle of sparkling water," saad ng lalaking tinawag na Trevor.

Magsasalita na sana ako nang may isa pang dumating. Akala ko, wala nang gaganda pa sa babaeng kaharap ko, pero nagkamali ako. Mula sa bulwagan, iniluwa ang isa pang dilag.

Siya na yata ang tinatawag na diyosa ng kagandahan. May taas na 5'6'', balingkinitan ngunit malaman sa tamang parte ng katawan, may makinis at maputing kutis, lagpas balikat ang alon-alon nitong buhok at may maamong mukha. May sarili siyang quality na 'di ko matukoy. Ah! Grace and elegance, iyon marahil ang mayroon siya na mahirap gayahin ng iba.

Pakiramdam ko bumagal ang takbo ng mundo habang papalapit sa akin ang bagong dating. Para akong walang nakikitang iba, wala akong naririnig na iba, kung hindi siya lang. Ewan ko ba pero ang tindi talaga ng tama niya sa akin.

"I'm sorry I'm late, Attorney. I hope you've been introduced to Trevor and Sophia?" sabi ng babaeng huling dumating. Sa lahat naman ng humihingi ng paumanhin, siya na yata ang kulang sa sinseridad. At sinadya niya pa yatang magpahuli.

Bahagyang lumaki ang mata ni Sophia sa kabiglaan. "Is he your visitor? Oh gosh! I thought he's one of the hel-" 

Sumabat si Trevor. "Don't tell me he's one of your suitors!" Tumawa siya nang malakas. Nasa himig niya ang pang-iinsulto nang sabihin niyang, "Getting desperate, are you?"

Ang sarap sapakin! Kanina ko pa sana itinumba ang mayabang na lalaking ito kung 'di lang ako nag-aalalang makabasag ng kasangkapan. Mga antigo pa naman ang gamit dito. Kahit marahil isangla ko pa ang lupain namin sa Cotabato, hindi pa rin sapat na pambayad.

May nabanaag akong bahagyang iritasyon mula sa mga mata ng dalaga. May napansin din akong kaunting awa nang sumulyap siya sa akin.

Hell! Sa lahat ng ayaw ko, iyong kinakaawaan ako!

Saglit lang iyon at blanko na muli ang mukha niya. "As it happens, Trevor. He's not my suitor. Anyway, I'd like you to meet Attorney-." may pag-aatubiling pakilala niya. "Atty. Oscar Gamboa." Nakatuon ang buong pansin niya sa akin at sa mahinang tinig ay sinabing, "I hope you still remember me, Oskay?"

I just realize who this lady is! Only one person could call me by that name and would come out unscathed. Well, well. If it isn't little Elle! My childhood nemesis who had befriended me just to betray my trust and made me a laughing stock to her so called elite friends!

Sa gitna ng ingay na gawa ng pagkabigla ng dalawa, muling nagtama ang paningin namin ni Elle. Nagbabaga ang aking mga mata, tila nagpapahayag na babawi ako sa kasalanang ginawa niya sa akin.

Sa kabila nito, si Elle ay nananatiling kalmado ngunit mapanghamon ang mga titig niya. Animo'y nagpapahiwatig na hindi siya kailanman magpapatalo.

Complete SurrenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon