Kyrene's POV
Tumigil ang sasakyan sa harapan ng isang mataas at malaking gate.
Bumusina pa ito habang ako naman ay huminga ng malalim.
Anong gagawin ko dito? nagaalangang tanong ko.
Malamig na tingin ang isinukli niya sa akin kaya iniba ko na ang tingin dahil baka magalit siya sa akin.
You're now mine, sabi nito na ikinalaki ng mata ko.
Malakas ang pintig ng puso ko at kinakabahan.
Dahan-dahan akong lumabas sa sasakyan at nakita ko ang isang malaking bahay na nasa harapan ko.
Isn't it nice? bulong nito sa tenga ko na ikinabigla ko.
It's perfect, sagot ko ng may ngiti sa labi.
Madaming puno sa gilid nitong bahay at may guard na nakabantay sa gate.
Let's get in, sabi nito kaya sumunod ako sa kanya.
Kung ang labas kanina ay maganda mas maganda ang nasa loob, halatang mamahalin ang furnitures mula sa design nito.
Hindi na yun nakakapagtaka dahil isa siyang Abelardo.
The surname Abelardo is one of the famous and wealthy family in the world of business.
Simula sa ospital hanggang mall meron sila.
Roelle Abelardo happen to be the future heir of their company.
Tumigil kami sa isang pintuan na may nakasulat na "office"
Buti may nakasulat na ganun kasi kung hindi iisipin kong ikakama niya talaga ko at ayoko nun.
Pumasok kaming dalawa sa office at tila namangha ako nang iikot ang mata ko sa kabuuan nito.
Gold and white ang theme ng office na ito at sa pinakadulo ay may frame doon na nakalagay ang painting na mukha ng isang lalaking mga nasa 50's ang edad.
Nagulat ako at bahagyang napakapit sa braso ni Roelle saka nagtago sa kanyang likuran nang humarap ang swivel chair at tumambad ang lalaking nasa painting na seryosong seryoso.
The man was the older version of Roelle and sa tingin ko ay malamang kamukha din ni Roelle ang lalaki kapag tanda niya.
Kita sa matanda ang pagiging superior at makapangyarihan kahit na nakaupo lang siya.
What is it son? tanong ng lalaki na tatay niya pala.
Syempre tatay niya kaya nga kamukha niya eh! Duhh!
I want you to meet my girl, sabi nito na ikinagulat ko.
Spell imagination
N-G-A-Y-O-N!
As in nakakagulat dahil aside from never pa kaming naguusap ng isang Roelle Abelardo ay ipinakilala niya na agad akong girlfriend niya. Parang yung mga nasa movies lang at nasa romance novels ang nangyayari ngayon sa akin.
It's just so unexpected...
Pero sino ba ko para umarte? 3 years crush ko na to at almost 4 years in the making kaya let's grab the opportunity.
I composed myself at agad na umayos ng tayo.
Napatingin naman sa akin ang tatay niya and scanned me from head to toe.
Shet nahiya tuloy ako. Hindi pa naman ako nakapagsalamin para makita itsura ko ngayon. Last time kong nakita sarili ko sa salamin ay nung lunch time.
BINABASA MO ANG
The Devil's Wife
Romance"Tatlong taon ang lumipas ngunit siya lang ang lalaking gusto ko. Ang nais kong makasama" yan palagi ang naiisip ni Kyrene Perez habang pasikretong iniibig mula sa malayo si Roelle Abelardo, their school's campus crush at ang nagiisang tagapagmana n...