Kyrene's POV
Lumabas na ko sa cr at napabuntong hininga ako nang maalala kong malaki ang mansyon na to, hindi ko alam kung saan ang dining room nila.
Are you done? tanong ng isang baritonong boses kaya agad akong napalingon at hindi nga ako nagkakamali.
It was Roelle na nakasandal sa right side na dingding sa labas ng cr.
Tatakbo na sana ulit ako dahil baka kung anong gawin niya pero agad niyang nahablot ang kamay ko and pinned me on the wall.
Linapit niya ang mukha niya sa tenga ko and I felt his hot breath na sumasagi sa leeg ko.
Stop running away from me dahil kahit saan ka pa magpunta ay mahahanap at mahahanap kita kasi akin ka, mariin at maawtoridad na sabi nito kaya agad akong tumango.
Tinanggal niya na ang pagkakadiin niya sakin sa dingding at hinila ang bewang ko papalapit sa kanya habang naglalakad kami.
Shet talagang feeling ko ako na pinakamasuwerteng tao sa mundo. Daig ko pa ang nanalo sa lotto dahil dito kaya talagang nakakaloka.
Nang makarating kami sa dining room ay namangha ako sa pagkakaayos ng mga gamit.
Muli kong nakita si tito na may babaeng kausap.
She was in her late 50's, she has a curly brown hair, she's tall and slender. Ngunit kahit nasa 50's na ang babae ay hindi kumukupas ang ganda nito.
She must be Roelle's mother if I'm not mistaken.
Pinaupo ako ni Roelle sa harapan ng mom niya at tumabi naman siya sa akin.
Good evening iha, sabi ng nanay ni Roelle na may ngti sa mga labi kaya sinuklian ko din siya ng isang ngiti.
Good evening din po maam, I answered pero umiling ito.
Call me Tita Evelyn since you're my son's girlfriend. Actually ikaw pa lang ang unang babae na dinala niya dito that's why nagulat kami, sabi nito kaya nag-iba ang mood ni Roelle at sinamaan ng tingin ang mama niya.
Mom you don't need to tell her, sabi ni Roelle pero nginitian lang siya ni tita.
Nagsimula na kami ngunit sa kalahitnaan ng pagkain ay muling nagsalita si tita.
My husband told me earlier that your name was Kyrene Perez. Are you somehow related to Perez Incorporation? tanong ni tita at mahinang tumango lang ako.
Muli kaming nagpatuloy sa pagkain ngunit muling may nagsalita pero sa ngayon ay si tito naman ito.
When are you two getting married? tanong nito kaya nabulunan ako sa tubig na iniinom ko.
Agad along umayos ng upo with confusion written all over my face.
M-Married? tanong ko at tinuro ako and I was right.
Married? Agad-agad? Hindi naman sa choosy ako kasi actually bet ko yan kasi yung crush ko for three years ay magiging asawa ko pero hindi ba ang weird yata?
Bata pa kami and yes bata pa sya kahit 18 na sya. Marriage is sacred and I think dapat mahal namin ang isa't isa pero mukhang ako lang ang nagmamahal diba?
Naramdaman ko ang kamay ni Roelle na pinisil ang mga kamay ko kaya napatingin ako sa kanya.
It was like he's telling me na magsalita but no words were coming out of my mouth.
BINABASA MO ANG
The Devil's Wife
Romance"Tatlong taon ang lumipas ngunit siya lang ang lalaking gusto ko. Ang nais kong makasama" yan palagi ang naiisip ni Kyrene Perez habang pasikretong iniibig mula sa malayo si Roelle Abelardo, their school's campus crush at ang nagiisang tagapagmana n...