Kyrene's POV
1 week na ang lumipas simula nang sabihin sa akin ni Roelle na pakasalan ko siya.
At sa loob ng 1 week na yon ay maraming nagbago tulad ng kung dati di ako masyadong pansinin sa school ngayon daig ko pa yung Queen Bee ng school.
Simula kasi nung gabi na nakilala ko ang parents niya hinahatid sundo nya na ko sa bahay at school.
Kilala siya nila mom dahil na din kina Tita Evelyn na aside from kaklase ni mama sa college ay best friend nya pa. Si dad naman at Tito ay business partners pala.
Nandito kami ngayon sa isang sikat bake shop para pumili ng design at flavor ng cake para sa kasal namin.
I prefer the wedding to be simple and we all agreed to that which is good
Ang venue kasi ng kasal namin ay sa Re-Creation Center sa Batangas and our reception ay dun din. The theme of the wedding is nature kaya ang wedding gown ko ay para akong Diyosa ng Kagubatan.
But I'm really nervous because the wedding is near and hello? Guys kayo kaya nasa posisyon ko, sinong di kakabahan?
These past few days ay hindi nga ko makausap ng maigi at wala din ako sa sarili.
I just can't believe na ikakasal na ko at the age of 16 years old.
Kyrene! Buhay ka pa ba?! iritang tanong bigla ni Roelle.
At muli akong nabalik sa realidad at napatingin sa kanya pati sa parents niya na nakatingin na pala sa akin.
Roelle, is that the right way to talk to your wife? tanong ni Tita Evelyn sa kanya ng nakakunot ang noo.
Mom, kanina ko pa siya tinatawag and she's spacing out, Roelle explained which is true kaya nahiya ako bigla.
Shit, kanina pa pala ko tinatawag. Napayuko ako sa hiya dagil hindi ako nakikinig.
But still, mali ang ginawa mo and learn to accept your mistake young man, maawtoridad na sabi ni Tito kaya walang nagawang napabuntong hininga si Roelle.
Sorry babe, sabi nito at ngumiti sa akin.
Kung wala nga lang kaming deal nito iisipin kong totoo ang ngiti sa kanyang labi. Pero sino bang niloko ko? This is all just an act and I need to accept that.
It's okay babe, tita and tito sorry po if these past few days ay di ako makausap ng ayos. I'm just nervous and I feel...tensed, pagamin ko sa kanila.
Napangiti naman sa akin si Tita Evelyn at umiling-iling.
No worries dear, I understand you dahil ganyan na ganyan din ang pakiramdam ko nung ikakasal na ako dito kay Eulo at tulad nga ng ugali kanina ni Roelle parehas na parehas lang sila ng ama niya ng ugali, sagot ni Tita Evelyn pagtutukoy kay Tito Eulo.
Love, I am the sweetest husband, nakangiting sabi ni Tito Eulo kay Tita Evelyn na inismiran lamang siya kaya niyakap ni Tito Eulo si Tita Evelyn.
Aww, ang sweet!!!
Mom Dad, enough with the public display of affection, so babe what flavor of the cake would you like to choose? sabat bigla ni Roelle na umeksena bigla.
Anything basta masarap, sagot ko dito.
Ako Kyrene masarap ako, may ibinulong si Roelle na hindi ko narinig kaya napakunot ang noo ko.
Ano yung sinabi mo babe? I asked pero napailing lang ito.
Sabi ko I'll leave the decision to the person na gagawa nung cake since alam naman niya kung saan yung masarap na cake, sagot nito.
Marami pa kaming pinuntahan na lugar hanggang sa natapos ito ng bandang 6 pm na.
Kanina pa umalis sina Tita Evelyn at Tito Eulo kaya kami lang ngayon ni Roelle ang magkasama.
Nandito kami sa sasakyan niya habang siya ay busy magdrive para ihatid niya ako sa bahay or so I thought.
Nagpark siya sa harapan ng restaurant na pagaari ng pamilya ng kaibigan niya na sikat din sa school tulad niya.
Anong ginagawa natin dito? tanong ko sa kanya habang tinatanggal ang seat belt.
Ano bang ginagawa sa restaurant? pilosopong tanong nito sa akin at lumabas ng sasakyan.
Pilosopo, inis na bulong ko pero napangiti parin ako at akmang bubuksan sana ang pinto ng sasakyan para lumabas pero nauna na siyang gawin yon.
Kaya ako naunang lumabas ng sasakyan kasi pagbubuksan kita ng pinto at sa ayaw at gusto mo gagawin ko yon wala kang magagawa, sabi nito at hinawakan ang kamay ko habang sabay kaming naglakad papasok sa restaurant.
Napangiti ako ng palihim at ito na naman ang pamilyar na tibok ng puso ko. Ito na naman yung puso kong sobrang bilis ng tibok na siya lang ang nakakagawa.
Good evening sir and maam, any reservations? bungad sa amin ng waiter pagkapasok ng restaurant.
Abelardo, sagot ni Roelle at agad naman kaming sinamahan ng waiter sa table namin.
Agad din na umalis ang waiter at pagbalik niya ay naghain na agad siya sa amin ng pagkain.
Serve the wine please, utos ni Roelle na sinunod din agad ng waiter.
Halos ikamatay ko nga ata ang pagpipigil ng kilig or any reaction ngayon dahil ayokong malaman niya na crush ko siya eh.
I never thought na pwede palang mangyari yung akala kong hanggang imagination lang.
Wala lang kaming imik habang kumakain hanggang sa matapos kaming kumain.
Thank you sa dinner, sabi ko sa kanya ng may ngiti sa labi.
Tatayo na sana ko para umalis pero hinawakan niya ang kamay ko.
Take a seat first maguusap pa tayo, sabi nito at seryosong seryoso ang mukha nito kaya umupo ulit ako.
About what? I asked.
Our deal about this fake relationship, sabi niya kaya napatahimik ako.
Just like that yung kaninang kilig napalitan ng sakit.
Oo nga pala this was just part of the deal. It's no big deal nga pala. Ako nga lang pala yung nagbibigay ng malisya
Ano pa nga ba ang aasahan ko? Siya si Roelle Abelardo, I'm not and never will be his type at wala akong pag-asa sa kanya.
I wasn't even a penny in his thoughts or a whisper in his prayers.
And again I put my fake face on as if it was a mask at ngumiti sa kanya.
What about it? I asked as if hindi ako nasasaktan.
Ipapdala ko yung contract bukas sa bahay niyo, don't worry I'm gonna give it to you directly, sabi nito kaya tumango lang ako.
Is that all? I asked and he just nodded.
Then let's go, I said at kinuha ang bag ko saka nauna nang maglakad.
Muling pumatak ang isang butil ng luha mula sa mata ko.
Someday Roelle, someday. Kakainin mo din yang mga sinabi mo because I will make you fall hard.
BINABASA MO ANG
The Devil's Wife
Romance"Tatlong taon ang lumipas ngunit siya lang ang lalaking gusto ko. Ang nais kong makasama" yan palagi ang naiisip ni Kyrene Perez habang pasikretong iniibig mula sa malayo si Roelle Abelardo, their school's campus crush at ang nagiisang tagapagmana n...