MINT'S POV
Diretso ang tingin sa hallway habang naglalakad papunta sa classroom. Isang mahabang araw na naman ito.
Wala akong pake sa paligid ko at naupo lang sa upuan sabay baon ng sariling ulo sa desk na nasa harapan. Nakakainis lang kasi paulit-ulit lang ang sinasabi nila.
Puro sita. Puro pambabastos. Puro pang-iinsulto. Paulit-ulit lang. Walang nagbago.
Katulad ng dati nandon pa rin si Crux nakaupo malapit sa bintana at may sinusulat na hindi ko alam at wala akong pake. Wala din naman siyang pake sa iniisip ko ngayon pero kahit ganon hindi ko mapigilang titigan lang siya mula dito sa kinauupuan ko. Nakabaon pa rin ang ulo ko pero sapat na para makita siya.
Hindi niya naman mapapansin dahil sa mahaba kong buhok na nakapalibot sa mukha ko.
Naalala ko pa dati kung paano kami nagkakilala. Ay hindi, Paano ko pala siya nakilala.
FLASHBACK
Bago pa kami nagkakilala ni Cavin, nauna na si Crux actually schoolmates kami at magkatabi lang ang classrooms namin. Same grade. Different sections nong second year highschool pa kami.
Ang galing niyang mag-piano halos sa lahat ng bagay magaling siya. Naalala ko pa ang huling ngiting nakita ko mula sa kanya.
Ang ngiting totoo na hindi mo na makikita ngayon.
Dati na katulad ngayon, wala siyang kasama, palagi siyang nasa music room tumutugtog ng piano. Ako naman nandon sa labas nanonood mula sa bintana.Hanggang sa isang araw pinagalitan ako ng music teacher ko kasi hindi ako nag-pass ng project sa kanya at ang naging parusa ko ay ang maglinis doon sa loob ng music room kung saan palagi kong nakikita si Crux na tumutugtog.
Para saakin hindi iyon parusa kundi isang napakagandang opportunity para marinig siya na live talaga. Siguro ang romantic non dahil kami lang dalawa sa music room ♡
Pumasok ako sa room, hindi niya ako napansin na pumasok at nagpatuloy lang siya sa pagtugtog. OMG! Ang paborito ko sa lahat ng tinutugtog niya ay ginagawa niya ngayon.
[ Insert: We the kings - Sad song piano version ]
Hindi pa nga natatapos ang chorus pero bigla siyang tumigil at lumingon saakin. Tumigil ako sa paglilinis. Magpupunas nga sana ako ng pawis pero natigilan ako kasi napansin kong tumingin siya sakin.
Ang tingin na katulad na katulad nong tinitigan niya ako bago kami nagkasagutan. Yong nahuli niya akong nakatingin sa kanya. Ganon. Ang tingin na para bang walang emosyon o puno ng lungkot? Basta ganon.
" Love ~ " pabulong niyang sabi bago umalis sa music room at iniwan ako mag-isa na nagtataka sa sinabi niya.
END FLASHBACK
Nakakatawa mang isipin pero hanggang ngayon hindi ko parin alam kung anong ibig sabihin niya love? Bakit niya naman sinabi saakin yon? Sa araw kung saan nahulog ako ng husto sa kanya.
Hindi ko siya maintindihan. Siguro heart broken siya sa panahong iyon. Baka iyon ang dahilan ng pagiging coldness niya. Kailan ko kaya makikita ulit ang ngiti sa mga labi niya na para bang siya na ang pinakamasayang tao sa mundo.
Kailan ko kaya maririnig ang muling pagtugtog ng musika na siyang dahilan kung bakit ako patuloy na nagmamahal sa kanya? kahit alam kung hindi rin iyon masusuklian pa.
Umayos ako ng upo at kinuha ang isang kapirasong papel mula sa bag tsaka si cute kong ballpen na bigay ni Cavin noon.
Wala akong magawang iba kaya nagsusulat na lang ako ng kung anu-anong maisip ko.
BINABASA MO ANG
THE BOY WHO MURDERED LOVE ON ME
أدب الهواة" Alam mong nasasaktan ka na pero bakit minamahal mo pa rin siya? Wag kang magreklamo kong nahihirapan ka na dahil pinili mong masaktan sa piling niya " Masakit? Oo, pero wala akong pake. Manhid? ... Siya o Ako? ... Ang sagot, Pareho. Naging manhi...