Maraming katanungan ang bumabalot sa pagkatao ni Maru, isang babae na lumaki sa maayos, marangya at masayang pamilya.
Pero sa isang iglap nagbago ang lahat, isang malaking problema ang dumating sa kanyang buhay.
Paano niya hinarap at tinanggap ang katotohanan na minsan sa kanya'y pinagkait ng tadhana? Makakayanan ba ng puso at isip niya ang mga rebelasyong nagdulot sa kanya ng kalungkutan?
O haharapin niya ito ng buong puso upang tuluyang mabasag ang kasinungalingang bumulag sa kanya simula ng mabuhay siya sa mundong ito.