Pagbaba ng eroplano.....
"Ladies and gentlemen, welcome to Philippine Airlines . Local time 3:24 pm and the temperature is 36 degree celsius.
For your safety and comfort, please remain seated with your seat belt fastened until the Captain turns off the Fasten Seat Belt sign. This will indicate that we have parked at the gate and that it is safe for you to move about.
Please check around your seat for any personal belongings you may have brought on board with you and please use caution when opening the overhead bins, as heavy articles may have shifted around during the flight.
If you require deplaning assistance, please remain in your seat until all other passengers have deplaned. One of our crew members will then be pleased to assist you.
On behalf of Philippine Airlines and the entire crew, I'd like to thank you for joining us on this trip and we are looking forward to seeing you on board again in the near future. Have a nice day stay!"
Naglalakad na ako papunta sa lobby ng Airport.
"Sabi niya dito ko siya hihintayin, eh ba't parang wala pa siya" bulong ko sa sarili habang pumipili ng mauupuan sa mga bench na naka linya ng maayos.
Palinga-linga ako sa mga tao habang nakaupo at hinahanap siya. Binuksan ko na lang ang cellphone ko para basahin yung huling message niya sakin.
Ate Betsey:
Maru, naka-highwaist pants ako at crop top na blouse. Naka naka-army boots rin ako hihihi :) .Saming dalawa ni ate siya ang pinaka-fashionable pagdating sa mga pormahan. Kung anong ma-tripan niyang damit yun na ang susuotin niya at sa isang iglap mala Kendall Jenner na ang anyo nya.
Speaking of ate, natatanaw ko na siya at patungo sa direksyon kung saan ako naka-upo.
"Maru my little sis!" sabik na sabi niya habang tumatakbo papunta sakin at niyakap ako ng mahigpit.
"Na-miss kita ng sobra mwah!" hinalikan niya ako sa pisnge at pinisil ito ng mahina.
"Grabe ka naman ate parang 10 years akong nawala hahaha!" natatawa kong sabi sa kanya.
It's been 3 years na rin mula nang umalis ako ng Pilipinas. Sa States ko pinagpatuloy ang pag-aaral ko ng Business Marketing at sa kabutihang palad naka-graduate din ako noong May lamang, dalawang buwan ang nakalipas bago ko napagdesisyong umuwi dito.
"Magkwento ka naman sakin ng mga nangyari sayo sa doon sa States" naka ngiti niyang tanong sakin habang papasok kami sa kotse niya.
"Hmmm... ano nga ba? wala naman ako makukwento sayo, puro aral lang ginawa ko dun eh." matawa-tawa kong sabi sa kanya.
"Yun lang?! hindi ka nag bar hopping, finding hottie or wala man lang nanligaw sayo dung kano? As in aral aral lang?" sarkastikong tanong nya sakin na may pagkayamot.
Natawa na lang ako sa reaksyon ni ate Betsey.
"Eh yun lang naman talaga, tsaka pumunta ako dun para tapusin yung college degree ko, iwas depression at para makalimot sa mga nangyare sakin." paliwanag ko sa kanya.
"Okay okay fine, grabe sis buti nabuhay ka pa ng ganun ang lagay mo puro aral hahaha kung ako nyan matagal na akong lumayas don." sabi niya sakin at pinagpatuloy na lang ang pagda-drive.
Nakarating na kami sa bahay, wala pa rin namang pinagbago simula ng umalis ako dito. Napansin ko na iba na yung mga katulong, wala na si manang Tess at manang Glory na nag-aalaga samin kapag sobrang busy si mommy at daddy sa business namin.