Knock. Knock. Knock., mabagal at may pag-iingat na katok mula sa pinto ng aking kwarto."Pasok" ani ko habang patuloy na sinusuklay ang mahaba at maalon kong buhok. Ngayon na lang ulit ako nagpapasok ng tao dito sa bahay, kahit sila mom at dad pati na si manang ayaw kong makapasok dito dahil ayokong makita nila akong ganito, miserable at nagmumukmok.
"Anak bumaba ka na at kakain na tayo, ikaw na lang ang hinahantay namin sa hapag." nag-aalalang sabi sakin ni mommy habang nakatitig sa repleksyon ng aking mukha mula sa salamin.
Lumapit siya upang kunin ang suklay na hawak ko at pinagpatuloy niya ang pagsuklay sa buhok ko.
"Ang laki na ng prinsesa namin, maganda at matalinong bata", malumanay at mahinang sabi ni mommy habang sinusuklayan niya ang buhok ko.
Tumingin ako sa kanya mula sa repleksyon ng salamin at ngumiti ng bahagya. Ramdam ko ang pag-aalala niya sakin, naaawa ako dahil pati sila naapektuhan sa kalungkutang nararamdaman ko.
"Basta anak tatagan mo ang puso mo," huminga siya ng malalim at muling nagsalita,
"hindi lang siya ang nagmamahal sayo . Nandito kami ng daddy at ate mo ha, mahal na mahal ka namin at hindi ka namin iiwan", nakatitig sakin ang mapupungaw niyang mata habang sinasabi iyon.
Hindi ko alam pero may biglang namuong tubig sa aking mga mata at alam kong babagsak na lang iyon at sasaluin ng aking mga palad.
"Anak makakalimutan mo din siya, tandaan mo anak nandito lang kami handang makinig sayo, handa rin kaming maging sandalan mo sa oras na kailangan mo kami", sinasabi ni mommy habang yakap niya na ako at hinahagod nang malalambot niyang palad ang aking likuran upang patahanin ako.
Sunod-sunod ng nagbagsakan ang mga luhang matagal ko ng pinipigilan lumabas mula sa aking mata.
Hindi ko na ma-kontrol ang aking sarili, napahikab na ako dahil sa halo-halong emosyon na bumalot sa aking puso.
Niyakap ko si mommy ng mahigpit at napaiyak sa kanyang balikat.
"So-sorry mommy, hin-hindi ko pa rin po ka-kayang maging matapang", nauutal kong sabi habang patuloy na humahagulgol sa pag iyak at nakasandal pa rin sa kanyang balikat .
"Sige anak, ilabas mo lang yan. Kung may powers lang ako para tanggalin yang sakit na nararamdaman mo tinanggal ko na para hindi ka na nahihirapan ng ganito", ramdam ko ang galit ni mommy sa kanyang boses habang sinasabi iyon.
Ayaw niya sa lahat na nakikita kami ni ate na nasasaktan at umiiyak ng dahil sa isang tao.
"Mo-mommy thank you po sa lahat and I'm sorry po ta-talaga", sinasambit ko habang inaangat ang ulo ko mula sa pagkasandal sa basang balikat ni mommy.
"Okay lang anak, basta i-promise mo sakin na hindi mo papabayaan ang sarili mo. Huwag mo ibalin sa kanya lahat ng pagmamahal mo. Matuto kang mahalin muna ang sarili mo bago ang iba. Makakalimutan mo din siya anak, hindi lang sa kanya iikot at hihinto ang buhay mo" seryosong sabi ni mommy habang nakatitig na sakin at tinatanim sa isipan ko ang mga kataga niyang iyon.
"Iiwan na muna kita dito, ipapahatid ko na lang kay manang ang hapunan mo, kumain ka na anak please, ilang araw ka ng hindi kumakain ng maayos", malungkot niyang sabi at hinalikan ako sa pisnge.
Tuluyan na siyang lumabas sa kwarto ko.
Napatitig ako sa aking mukha mula sa salamin na nasa harap ko.
Oo nga marami nang nagbago sa mukha ko, nawala ang mapupungaw kong mga mata na ngayo'y maga at puro kalaungkutan ang makikita. Umimpis rin ang pisnge ko, halatang pumayat ako ng konti.
Tama si ate, hindi na ako yung dating Maru na pagtuwing gigising sa umaga ay tinalo pa ang naka-jackpot sa Lotto dahil sa sobrang saya, na ang ngiti ay aabot hanggang tenga.
Sa isang linggo kong pagkukulong dito sa kwarto, ito ang naging saksi ng aking kalungkutan. Marami na ring pagbabago ang mga nangyari. Isang linggo na rin akong ganito mula ng nakipag-hiwalay sakin si Blake, simula ng iniwan at niloko niya ako.
"Ano bang problema mo Blake ?!! pasigaw kong tanong sa kanya habang sinusundan siya papuntang parking lot.
Hindi niya ako nilingon, patuloy lang siya sa paglalakad at mabilis na tinungo ang parking lot.
"Blake naman! Ano bang nangyayare sayo ha? Please naman sagutin mo ako!" muli kong sigaw sa kanya at sa pagkakataon na yun ay na abot ko na ang kanyang kamay upang pigilan siya sa kanyang paglalakad.
Huminto siya sa paglalakad at humarap sakin, hindi ko mabasa ang emosyon ng kanyang mga mata. Anong nangyayare sayo? Satin Blake?
"Gusto mong malaman ha? Gusto mo!" pasigaw niyang sagot sakin.
Nagulat ako, hindi dahil sa pagsigaw niya, nagulat ako dahil parang ibang tao siya ngayon iba na siya kung umasta. Blake ano bang nangyayare, hindi ko maintindihan.
"Bakit ka ganyan Blake? Ano bang problema mo? mahinahanon na may halong pagkatakot na tanong ko sa kanya.
Nakatitig ako sa mga mata niya upang malaman kung ano bang nangyayare sa kanya kung bakit siya nagkakaganito pero walang senyales, blanko lahat ng emosyon.
"Let's end up our relationship" mahinahon at walang emosyon na sagot niya at bigla niyang nilayo ang tingin sakin.
Shit! para akong binuhusan ng malamig na tubig mula sa kinatatayuan ko. Nabinge ako at muling tinanong sa kanya ulit ang tanong na gusto kong sagutin at linawin niya.
"I said this is the end of our relationgship! Tapos na tayo!"galit at basag ang kanyang boses.
Biglang bumuhos ang luha mula sa aking mga mata habang nakatingin sa kanya.
"Blake naman! wag mo naman ako biruin ng ganyan!" umiiyak kong sabi sa kanya at pinalo ko ang kanyang dibdib. Patuloy ko yong ginagawa iyon pero hindi man lang niya pinigilan ang mga kamay ko na bumagsak sa kanyang dibdib kundi pumikit siya ng marahan at bigla akong niyakap ng mahigpit, sobrang higpit na para bang ayaw niya na akong bitawan.
"Blake gago ka! gago ka talaga! Bakit mo to ginagawa sakin!" umiiyak pa rin ako habang pinagmumura ko siya.
"Oo gago ako! I'm sorry pero ito ang dapat kong gawin. Kailangan ko ng i-let go ang relasyon na to!" sabi niya sakin habang unti unti ng tumutulo ang kanyang mga luha.
"I'm sorry Maru, hindi ako ang tamang lalake para sayo. Hindi ko deserve ang isang kagaya mo. I'm sorry, I'm very very sorry, I hope na sana mapatawad mo pa ako at huwag mo akong kamuhian" sinasabi niya sakin habang nakahawak saking mga kamay.
Naguguluhan pa rin ako kung bakit kailangan humatong pa kami sa ganitong paraan kung pwede naman pagusapan at maayos pa."So anong problema mo? Naten?" tanong ko ulit at alam ko ng masasaktan ako sa kanyang mga sagot.
"Kailangan ko tong gawin Maru kasi nakabuntis ako... at kailangan ko siya...." biglang dumampi sa kanyang mukha ang malakas kong sampal.
Napaigtad ako at minulat ang aking mata dahil sa boses na narinig ko, si manang pala iyon.Nakatulog na pala ako sa side table ng aking kama na kung saan nakatitig ako sa aking mukha kani-kanina lang.
"Maru, nandito na ang pagkain mo. Pinapasabe ng mommy mo na ubusin mo ang mga ito para makabawi ka sa mga araw na hindi ka kumain" sabi ni manang habang hinahagod ang likod ko.
"Sige po manang palagay na lang po dyan sa may kama" sabi ko kay manang habang kinukusot ko ang aking mga mata mula sa aking pagkatulog kung saan napanaginipan ko ang mga nangyari sa araw na yon na gusto ko ng kalimutan. Sobrang bigat pa rin sa pakiramdam. Hindi ako makapag-isip ng maayos. Palagi na lang akong nakakulong sa kwarto at nakatulala kung saan. Kailan ba magiging normal ang lahat? Bakit sakin pa ito nangyari? Paano ba matatapos ang lahat ng ito?
![](https://img.wattpad.com/cover/126923433-288-k85866.jpg)