MCR#3

148 14 1
                                    

☛ Dedicated sa kinya :) We love Wooyoung XD

__________________________________________________

Cindy? Cindy! Oie Cindyyy” 

Ano bang problema Zy? Panira naman ng tulog oh” sagot ko sa kanya habang nakapikit parin ang mga mata ko at pilit binabalikan ang naudlot kong panaginip. Oo ganyan ako, kapag hindi ko natapos panaginip ko natutulog ulit ako at pilit binabalikan ito.

Si Daphne nakita mo ba?”

Excuse me. Tulog kaya ako remember? Mas nauna ka namang gumising bakit sakin ka pa nagtatanong?”

Oo nga kaso pag-gising ko wala na sya sa sala”

Baka nauna ng umuwi?” tanog ko sa kanya at sinusubukan paring matulog ulit.

Ng hindi nagpapaalam? Nagkasundo na eh na dito kami hanggan bukas”

Baka Emergency?”

Sabado ngayon at nandito lang kami ni Zy sa bahay. Nakabalik ako sa pagtulog ko at nagising nalang ako 12 na.

Cin, ano kayang nangyari kay Daphne? Sinusubukan kong tawagan kaso out of coverage naman. Ni sa text hindi nagrereply”

Ewan tanungin nalang natin sa Monday?” pasagot kong tanong sa kanya.

Sunday……………

Oie Cindy gabi na tulog na tayo” Grabe naabutan na pala ako ng gabi kakagawa nito.

Teka tatapusin ko lang to.Sandali nalang” paliwanag ko sa kanya kasi para na syang bata na nagmamaktol.

Ano ba kasi yan?” inis nyang tanong sakin.

Nag prepare ako ng lunch for 2. Balak ko sanang ibigay bukas kay Lucas” sagot ko naman sa kanya.

Hmmm. Iba nayan ah? Sabi ko naman kasi sayo magpakilala ka na eh”

Zy ok na ako sa kung anong meron kami ngayon.Atleas diba nag improve naman kahit papaano? Bihirang mas ok na to kesa noon na hanggang tingin lang, diba?” tanong ko sa kanya.

Sabagay may point ka din pero dapat magpakilala ka na oie” sabay napa-isip pa sya at bigla nalang lumapit sa hinahanda ko at nagsalita sabay kinang pa ang kanyang mga mata “Ang cute naman nito, patikim ha?”

*poink* hinampas ko ang kanyang kamay balak pang kainin ang inihanda kokay Lucas eh >O<

Para kay Lucas lang to, kung gusto mo magluto ka ng sayo” sabay kuha nung prini-pare ko at inilayo talaga sa kanya. Parang bata lang na nagdadamot ng pagkain.

Che! Ang damot mo naman eh! Tutulog na nga lang ako” sabay padabog na umalis at pumasok na sa loob ng kwarto. Haha ang cute din nyang mainis batang bata. Ibinalik ko na ang attention ko sa ginagawa ko.

Sana magustuhan to ni Lucas” masayang bulong ko sa sarili ko. Ang saya-saya ko habang niluluto ko yun. Kasi na iimagine ko palang na kakainin nya yung at masasarapan sya ang laki ng achievement sakin nun.

 Itinabi ko na ang mga hinanda ko at naglakad na papasok sa kwarto ko. Ayun nakita ko si Zy na nagmumukmok doon na parang bata na hindi binilhan ng kendi.

Buti naman tapos ka na” ayun parang bata nyang sabi sakin.Nakabusangot lang sya.

Sus! Eto namang bestfriend ko nagtampo agad. For 4 naman yung ginawa ko kaya meron ka din. Ikaw pa makakalimutan ko? Eh bestfrien nga tayo diba?” Napangiti naman sya at agad na tumayo at niyakap ako ng sobrang higpit.

Modernong Cindy-RellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon