B a y b a y i n : Ang Balintataw Mula sa Nakaraan

9 2 0
                                    

B a y b a y i n : Ang Balintataw Mula sa Nakaraan

Ipipihit pabalik ang bawat pitik, lagitik ng kamay ng orasan

patungo, sa lunduyan ng buhay at karimlan. 

Ihehele sa bisig ng kasalukuyan ang bakas na iniwan ng nakaraan. 

Aalalahanin ang 'sangdaang beses na pagkadapa at paglaban. 

Babalikan ang takipsilim na muntik nang hindi matakasan

at ang bukangliwayway na inakalang kailanman ay 'di na masusumpungan. 

Iisa-isahin ang napakaraming dahilan kung bakit ito ang kinahinatnan

at kung paanong ang lahat ay umabot sa nararapat na katapusan. 

Dahil kung hindi nasaksihan ng mundo ang mga naganap noon, walang ngayon. 

Kung hindi sana sa nakaraang gumuhit sa ating kapalaran, wala ring kasalukuyan. 

Hindi masasaksihan ng balana ang gandang hinulma ng kasaysayang nagdaan—

kasaysayang dumampi sa mga labi ng ating minamahal na Inang Bayan, magdaan man ang maraming panahon. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 08, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Haraya: Kalipunan ng mga TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon