Ewan

12 3 0
                                    

"Ewan", salitang iyong sinambit habang orasa'y pumipitik

kasabay ng malamyos na ritmo sa iyong instrumento. 

"Gusto kita", mga salitang matagal nang nais kumawala

sa hawla ng damdaming

gusto nang sumabog

dulot ng malakas na pagkabog ng aking dibdib. 

Di ko na kaya, ngunit bakit nauutal? 

Nauumid ang dila sa tuwing nariyan ka na. 

Nalulunod sa bawat letra, titik, at pantig. 

Di alam kung saan sisimulan ang lahat. 

Hanggang sa 'di ko na namalayan

ang iyong paglisan

na ito na pala ang wakas,

wakas ng tulang sinimulan

ngunit kailanman ay 'di na maaabot ang sukdulan. 

Na kasabay ng pag-agos ng taksil kong mga luha

ay patuloy pa rin akong umaasa sa iyong binitiwang salita

"Ewan."

Haraya: Kalipunan ng mga TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon