PROLOGUE

432 8 0
                                    




Ako nga pala si GIANINA KYLA LEIS "The Maldita Nerd"

Tunghayan nyo ang aking kwento at kung saan nag Simula ang lahat lahat.

~~~~~~~~

Isa lang akong Ordinaryong Nerd noon, tulad nila puro libro lang din ang hawak ko hanggang pagtulog ko, nangunguna rin ako sa klase at higit sa lahat lagi rin akong binubully.

Hanggang sa natuto akong lumaban. Pagod na kong api-apihin, Sawa na kong pagtawanan, Sawa na kong paglaruan, Sawa na kong maging mabait, Sawa na kong tapak-tapakan.

--------------Canteen

Kasalukuyan akong nasa canteen ng may pamilyar na boses ang tumawag saken.

"Kyla !" Sigaw nya sa pangalan ko kaya't umugong na naman ang bulungan dito sa loob ng cateen.

"Bakit ?" Walang buhay na tanong ko sa kanya.

"Ano yung naririnig ko na nilalandi mo daw yung boyfriend kong si Jio !" Sigaw nya saken habang dinuduro pa ko.

Si Jio Gabriel Maigue ? Boyfriend nya ? Asa ! Napaka assumera talaga nitong ipakta na to tsaka hindi ko naman nilalandi yung boyfriend nya DAW ah yung lalaking yun yung lapit ng lapit saken eh.

"Pardon ?" Tanong ko sa kanya kase alam ko naman na hindi ko nilalandi yung boyfriend nya DAW dahil magkaibigan lang kame nung pangit na yun.

"Wag mo kong maPardon pardon ! Layuan mo yung boyfriend ko kung ayaw mong magkagulo tayo dito !"

Aba't sumosobra na itong babaeng to ah ! Hindi ko na talaga kaya ! sobra sobra na itong pagpapahiya nya saken dito. Lalaban na ko sawa na talaga kong api apihin ng impaktang ito. Tinignan ko sya diretso sa mata nya sabay pinagkrus ko yung mga braso ko.

"First of all, hindi ko sya nilalandi dahil magkaibigan lang kame. Second, Sya yung lapit ng lapit saken. And last, HINDI MO SYA BOYFRIEND KAYA WAG KANG ASSUMERA !" Diniinan ko talaga yung huling part dun sa sinabi ko eh. Mas lalong lumakas ang bulungan dahil sa sinabi ko pati sure ako nagulat silang lahat dahil ngayon lang ako lumaban sa impaktang ito.

"Ang kapal ng mukha mo para sabihan ako ng ganyan !" Pagkatapos nyang sabihin saken yung mga katagang yun SINAMPAL NYA KO BESS !

Hinawakan ko yung pisnge ko dahil namamanhid talaga sya ang lakas talaga sumampal nitong impakta na ito eh. Ilang saglit pa binalik ko rin sa kanya yung sampal na binigay nya saken. Nagulat sya sa ginawa ko pati na rin yung mga tao sa canteen.

"Sawa na kong inaapi ng tulad mo kaya sa susunod na dadapo yang palad mo sa maganda kong mukha hindi lang yan ang aabutin mo saken !" Burn bitch.

Pagkatapos kong sabihin sa kanya yun, tinalikuran ko na syang may gulat sa kanyang mga mata at tuluyan ng umalis sa canteen.










-Comments-

THE MALDITA NERDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon