GIANINA KYLA POV
----------School
Haysssssssssss.
-(Inhale)
-(Exhale)
Ito na nandito na naman ako sa impyerno ng buhay ko este sa school na ito. Ano na naman kayang mangyayari saken dito ? Lord kunin nyo na po yung mga bully dito sa bwiset na school na ito kase kapag ako hindi nakapagpigil papatulan ko talaga sila LALONG LALO NA YUNG JENNY NA YUN namumuro na talaga saken yun eh isang isa na lang talaga bibingo na sya !
Gusto nyo bang makilala ang impakta ? Wala naman kayong choice eh HAHAHA. Si Jenny Guevara ang numero unong bully ng mga estudyante dito lalong lalo na ng mga nerd sa school na ito pero dahil anak sya ng may ari ng school kaya't hindi sya napapatalsik at karamihan rin sa mga estudyante dito ay takot sa kanya kaya wala rin kahit isang tao ang nagsusumbong sa mga katarantaduhan nya. Sa kasamaang palad isa ko sa mga binubully nya dahil sa Nerd ako pero hindi tulad ng iba marunong naman akong lumaban kahit papaano yung sakto lang yung tipong makaganti lang ako. Ganern HAHAHA.
"Hooooyyy GIANINA KYLA LEIS ! Kanina pa ko daldal ng daldal dito hindi mo ko pinapansin !!!!!!!!!!" Sigaw ng bestfriend ko sa mismong tenga ko feeling ko tuloy nabingi na ko. Shaket eh. Oo nga pala kasama ko nga pala itong bestfriend ko Hehehe.
"Sorry Hehe. Ano nga ulit yung sinasabi mo ?" Pilit ang ngiti kong tanong sa kanya.
"Ang sabi ko Room #1 ka at Room #6 naman ako kaya hindi tayo magkaklase !!!!" Sigaw nya ulit.
"Ganun ba ? Okay lang yun. Sige na pumunta ka na sa room mo pupunta na rin ako sa room ko" Nakangiti kong sabi sa kanya.
"Letche ! Okay sige kita na lang tayo mamayang break time. Bye !" At tuluyan na nga syang nawala sa paningin ko.
Papunta na ko ng Room namin ng biglang may mabungo ako.
"Hala ? Sorry po. Sorry talaga hindi ko sinasadya" Pagsosorry ko sa kanya.
"ANO BA NAMAN KASE YAN EH ! BAKIT BA HINDI KA TUMITINGIN SA DINADAAN MO HA ?! ITONG PANGET NA NERD NA TO ! SA SUSUNOD MATUTO KANG TUMINGIN SA DINADAAN MO ! WAG KANG TATANGA TANGA !!! NAIINTINDIHAN MO ?!"
O_O
Sigaw nya saken habang pinapagpag yung pwetan nya.
Aba't ? Nagsorry na nga ako diba ? Pati ako lang ba yung hindi tumitingin sa dinadaanan ? Eh sya rin naman ah ! Bwiset na Jio to ! Oo tama kayo ng basa si JIO GABRIEL MAIGUE ang campus heartrob yung nakabunggo ko.
"Oo hindi na mauulit Sorry talaga Jio" Paghingi ko ulit ng paumanhin pero sa totoo lang gusto ko rin syang sigawan at pagsusuntukin pinigilan ko lang yung sarili ko dahil ayoko ng gulo at dahil last year ko na to kaya konting tiis na lang.
"Sa susunod na haharang ka sa dinadaan ko malilintikan ka na saken !" Sigaw nya saken habang dinuduro pa ko.
As if i care ! Tumango na lang ako sa kanya at umalis na dun dahil konting konti na lang talaga papatulan ko na sya. Nakakainis !!!!!! Pero may weird akong naramdaman kanina eh ewan ko kung ano yun kase naman teh NAKAKALOKA YUNG BILIS NG TIBOK NG PUSO KO TAPOS NUNG NAGDIKIT PA YUNG MGA BALIKAT NAMIN PARANG MAY KURYENTE !!
Pagkatapos ng sagupaan namin ni Jio kanina pumasok na ko sa Room namin at naupo na sa may dulo.
Habang naghihitay kay ma'am at sa iba ko pang kaklase inilibot ko muna yung mata ko para tignan kung may kilala ko rito. Parang wala namang nagbago ganun pa din yung mga kaklase ko last year sila pa din ngayon pero may nakaagaw ng atensyon ko eh Babae sya pero nakatalikod kaya hindi ko masyadong makilala pero nung lumingon sya sa gawi ko.... nanlaki yung mata ko dahil sa nakita ko ! Omyghad kaklase ko Si........ Jenny Guevara ! Shemay.
Hindi ko na lang sya pinansin dahil dumating na rin naman si Ma'am Prado Science teacher namin.
"Good Morning Class" Bati sa amin ni Ma'am.
"Good Morning Ma'am" Bati rin namin sa kanya.
"Okay---" Naputol ang sasabihin ni Ma'am ng may nagsalita.
"Sorry ma'am I'm late" Sabi nung lalaki hindi ko makita yung mukha nya eh.
"It's okay. Come in" Nakangiting tugon ni ma'am dun sa lalaki.
Nung pumasok yung lalaki nanlaki yung mata ko ! Totoo ba to ? Lord naman ! Huhu.
~~~~~Itutuloy
BINABASA MO ANG
THE MALDITA NERD
Roman pour AdolescentsIsa lang akong simpleng Nerd NOON na, katulad ng ibang kagaya kong Nerd, Mahilig rin akong magbasa ng mga makakapal na libro, Nangunguna din ako sa klase at bukod sa lahat tulad ng iba lagi rin akong binubully pero hindi ako tulad nila na laging nag...