GIANINA KYLA POV
Maaga akong nagising dahil sa alarm ko. Bumangon na ko sa higaan at handa ng pumasok sa banyo para maligo pero hindi pa ko nakakapasok sa banyo ng....
"GIANINA KYLA LEIS GISING NA !" Nagulat ako sa sigaw ng bungangera kong bestfriend na si Alex.
"Gising na ! Letche !" Sagot ko sa kanya habang nakahawak sa puso ko dahil sa gulat bwiset kase tong bestfriend ko ang aga aga nambubulabog agad. Kaimbyerna !
"Bilisan mo kakain na daw !" Tsk ! Basta talaga pagkain laging nangunguna tong kaibigan ko eh pero hindi naman tumataba HAHAHA. Teka nga, Ano nga palang ginagawa ng kabigan ko dito sa bahay ?! Matanong na nga lang sya mamaya.
Tuluyan na kong pumasok sa banyo para maligo. Habang mabilis na pumapatak ang tubig sa mukha ko mula sa shower namin sumagi sa isip ko kung anong klaseng first day of school na naman ba ang meron ako. Sana naman wala ng bully para maging payapa na ang buhay estudyante ko. Hays.
Pagkatapos kong maligo lumabas na ko ng kwarto ko at bumaba na sa kusina para kumain. Pagkababa ko naabutan ko sila mama, kapatid kong si kylo at kaibigan kong si Alex na nagtatawanan habang kumakain.
"Good Morning" Nakangiti kong bati sa kanila kaya't agad na naputol ang kanilang tawanan at mabilis na lumingon sa gawi kung nasan ako.
"Good Morning Ate" -Kylo
"Good Morning Sis" -Alex
"Good Morning anak. Halika sumabay ka na samen pagkain" Nakangiting alok sa akin ni mama.
So ayun nga pumunta na ko dun sa table at umupo na. Sinimulan ko na ring bigyan ng hustisya ang pagkaing niluto ni Mama.
Habang kumakain nabaling ang atensyon ko sa aking kaibigan at naalalang may itatanong pala ako dito.
"Ano nga pa lang ginagawa mo dito ?" Bulong ko sa kaibigan ko.
"Ano pa nga ba ? Edi nakikikain alam mo sis medyo shunga ka rin ano ? Naturingan kang top 1 tapos common sense wala ka ! Pati sabay tayong papasok remember ?" Aba't pati pagiging Top 1 ko dinamay ng bruha.
"Tsk. Daming sinabi" Kainis to.
"By the way Sis, Alam mo bang hindi ako masyadong nakatulog kagabi dahil sobrang excited na talaga kong pumasok kase you know makikita ko na ulit si Fafa Jio" Kwento saken ng kaibigan ko habang nagkokorteng puso pa yung mga mata nya. HAHAHA Imagine-in nyo na lang.
Deads na deads talaga tong kaibigan ko sa Jio na yun. Simula pa lang kase nung first year high school kame crush nya na yun hanggang ngayong forth year na kame eh hindi naman sya napapansin. Kawawa naman si Bestfriend. By the way, Si Jio Gabriel Maigue (Jio for short) ang heartrob ng school namen. Oo Gwapo sya, Mayaman, Matalino (Sabi nila Hehe) at Habulin ng Babae pero hindi ko sya Type Hehe.
"Hay nako hindi ka naman mapapansin nun eh" Bulong ko sa sarili ko.
"Ano yun Sis ?" Tanong nya saken (Malamang hindi nya narinig yung bulong ko. Bulong nga eh HAHAHA)
"Wala wala" With matching pagwagayway pa ng kamay ko.
Pagkatapos naming kumain nagpaalam na kami kila mama dahil papasok na kami ng butihin kong kaibigan. Bigla akong nakaramdam ng kaba hindi ko alam kung bakit. Weird.
-Comments-
BINABASA MO ANG
THE MALDITA NERD
Teen FictionIsa lang akong simpleng Nerd NOON na, katulad ng ibang kagaya kong Nerd, Mahilig rin akong magbasa ng mga makakapal na libro, Nangunguna din ako sa klase at bukod sa lahat tulad ng iba lagi rin akong binubully pero hindi ako tulad nila na laging nag...