GIANINA KYLA POV
"Anak" Napaatras ako dahil sa gulat ng tawagin nya kong 'anak'.
"Ha?" Dahil sa naghalo halong emosyon na nararamdaman ko ngayon, ayan lang ang lumabas sa bibig ko.
"Anak ako to, ang Papa mo. Patawarin mo ko anak" Dahan dahan syang lumapit saken pero sa bawat hakbang na gagawin nya palapit saken sya namang hakbang ko paatras sa kanya.
"Sorry po Sir, Baka nagkamali lang po kayo ng bahay na pinasukan wala po kase akong ama Iniwan na po kame" Nagulat ako ng lumuhod sya sa harapan ko at humagulgol.
"Anak, *sob* Patawarin mo *sob* si Papa, hindi pa kase ako handang maging ama nun eh pero wag *sob* kang mag alala babawi ako sayo anak ko. Pangako" Tuluyan ng bumuhos ang luhang kanina ko pa pinipigilan.
Nakaramdam ako ng GALIT dahil sa dahilan nya ! All these years ! Gusto kong malaman yung dahilan nya kung bakit hindi nya pinanagutan si Mama tapos yun lang yung malalaman ko na dahilan nya ! How dare him !!!!!!!!!!
"Ha ?! Hindi pa kayo handa maging ama ?! Sana nung una pa lang naisip nyo na yan ! Sana hindi nyo muna binuntis si mama kung hindi ka pa pala handa maging ama !!!!!!! What the hell ?! Bakit sa tingin nyo ba si Mama handa na syang maging ina nun ?! Hindi rin Pa, pero binuhay nya pa rin ako kahit na WALA ka !!!!!!!" Sabay turo sa kanya. "Tapos sasabihin mong patawarin kita ! Nagpapatawa ka ba ?! Ha ?!" Sigaw ko sa kanya habang patuloy na humahagulgol.
"Anak patawarin mo ko...." Humahagulgol na pagmamakaawa ni papa saken.
Pasensya sya hindi ako maaawa sa kanya ! Ang kapal ng mukha nyang magpakita pa dito ! Pagkatapos ng mahabang panahon ! Inilihis ko ang tingin ko sa kanya at doon ay bumalik ang mga alaala ko noon nung mga panahong wala sya sa tabi ko, sa tabi namin.
"Alam mo ba *sob* na nakakaramdam ako ng inggit sa tuwing may makikita akong buong pamilya. Iniisip ko *sob* kailan kaya mabubuo yung pamilya ko ? Ang hirap kase ng Walang ama eh. Pero nung dumating si Tito Jack sa buhay namin, *sob* Naramdaman ko kahit papaano ang magkaroon ng ama. Naiparamdam nya rin saken yung feeling ng may ama ka pero wala eh masyado atang naging mabigat ang nagawa kong kasalanan sa past life ko kaya *sob* kinuha agad ni Papa God si Tito *sob* pero kahit papaano nagpapasalamat pa din ako kay papa god dahil kahit sa maikling sandali naranasan kong magkaroon ng ama. Naranasan ko yung feeling na buo yung pamilya nyo. Tapos *sob* tuwing magkakaroon ng family day sa school, bigla na lang pumapasok sa isip ko yung katotohanang makakakita na naman ako ng mga buong pamilya, yung masaya, nagtatawanan, nagkukulitan....... Na kahit minsan hindi ko naranasan, hindi ko naranasang mabuo yung pamilya ko" Sandali akong napahinto dahil nahihirapan narin akong huminga dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko. "Kaya nga tuwing may ganun sa school hindi na ko sumasali kahit na gusto ni mama. Pano ba naman ako sasali dun eh wala naman akong ama ? Diba ? HA HA HA." Patuloy pa din ang paghagulgol ko.
"Anak------" Pinutol ko yung sasabihin ni Papa dahil naririndi na ko kakatawag nya saken ng anak. Eh wala naman akong ama ! Matagal ko na syang kinalimutan Simula nung iwan nya kame !
"Hindi ako mo ko anak !!! Wala akong ama !!!!! Matagal ko ng kinalimutan yung magaling kong ama Simula nung iwan nya kame !!!! Kaya wala kang anak dito !!!! Makakaalis ka na..." Umiiyak kong sigaw sa kanya.
"Anak------"
"Umalis ka na sabi eh !!!!!!!!!!" Sigaw ko ulit sa kanya.
BINABASA MO ANG
THE MALDITA NERD
Teen FictionIsa lang akong simpleng Nerd NOON na, katulad ng ibang kagaya kong Nerd, Mahilig rin akong magbasa ng mga makakapal na libro, Nangunguna din ako sa klase at bukod sa lahat tulad ng iba lagi rin akong binubully pero hindi ako tulad nila na laging nag...