ᴅᴀʟᴀᴡᴀ

2K 67 14
                                    

▄▄▄ Carmela Isabella ▄▄▄

     SA HINDI malaman na dahilan, kusang nagpawis ang mga palad ko habang pabalik kami ni Jenny sa bahay.

     Para naman akong kakatayin nito. Isip ko nang buksan ang pinto.

     "Ang bagal naman!" Reklamo ng aking mahal na kapatid at mahina akong itinulak paalis ng daan para tuluyang makapasok.

     "Respeto naman diyan," Sita ko, sabay tapik sa kanyang balikat. "Masyado kang masungit."

     "Natatae na kasi, 'di ba," Sabi niya na walang pagda-dalawang-isip at kumaripas ng takbo papunta sa loob, malamang dun sa may banyo.

     'Di nagtagal ay nakalanghap ako ng septic tank at ngayon ko lang napag-alaman na umutot pala ang batang 'yun.

     Bastos.

     "Dugyot mo, Jenny!" Pahabol ko sa kanya pero alam kong 'di na nakaabot tulad ng tae niya.

     Nasa loob na ako nang marinig ko ang usapan sa salas at napahinto ako sa paglalakad, nahanap ng hiya.

     "Sigurado ka bang hindi dahil sa apo ko ang pagbalik mo?" Boses ni Lola ang unang nahagip ng aking pandinig.

     Tumawa ang isang lalaki. Napahawak ako sa dibdib ko, kung nasaan ang kwintas.

     Bakit ganoon? Pati pagtawa niya ngayon halos kapareha nung kay Juanito.

     Umiling ako.

     Hindi, kaparehang-kapareha.

     Pero imposible...

     Baka kumuha siya ng training para maging Juanito?

     Umiling ulit ako, naiinis sa sarili.

     Ang bobo ko naman. Si John 'to, noh. Syempre, hindi niya lang kamukha si Juanito kundi kaboses rin. Kaloka.

     'Di ko namalayan na nakalakad na pala ako sa mismong salas habang malalim ang pag-iisip ko.

     Shi—

     Si daddy ay nasa upuang katapat ni lola at isang binata ang nakaupo sa silyang mismong nasa harap ko pero nakatalikod ang pagkaka-pwesto niya mula sa kinaroroonan ko kaya hindi ko pa nakikita mukha niya.

     "Carmela," Ngiti ni daddy. "Buti naman napadpad ka na rin dito."

     "B-bakit naman po hindi?" Tila may bukol na namuo sa lalamunan ko at hirap akong magsalita pero sinikap kong magkunwari na ayos lang ako. "Pft, bahay ko rin naman po ito."

     "Siya, siya. Nandito na pala si John, anak." Sabi niya, halatang may inaabangan mula sa akin. 'Yun nga lang, 'di ko alam kung ano.

     Napatingin naman ulit ako sa lalaki na tumayo at pagkatapos ay dahan-dahang lumingon sa akin.

     Dalawa.

     Dalawang kurap bago ako malagutan ng hininga.

     Dalawang segundo bago magtama ang paningin namin.

     May kakaiba.

     "Carmela," Ngisi niya, may bahid ng panunukso. "Mukhang wala pa ring kupas ang iyong kagandahan."

     Doon at doon ay nakuha na niya ako.

     "AIN'T GOT NO TEARS LEFT TO CRY, SO I'M PICKING IT UP, PICKING IT UP. I'M LOVING, I'M LIVING, I'M PICKING IT UP—" Sumigaw sa nakakabinging boses si bunso pagkarating na pagkarating niya. "I JUST WANT YOU TO COME WITH ME—umph!"

     Nawala ang pagkagulat ko nang marinig ang walang kwentang pagkanta ni Emily. Grabe kasi ang pagsakit ng tenga ko.

     Tinakpan ko ang bibig niya sanhi ng kanyang pagpupumiglas, hindi na alintana kung sino ang nanonood. "Mamaya ka na magharana kay Lorenzo, pwede ba. At saka, hindi pop ang pinanghaharana, tip lang."

     Naalis niya nang bahagya ang kamay ko at sumigaw ng, "Che! Ano ba? Ang sakit ng bibig ko!"

     "Tama naman ang ate mo, Emily," Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang narinig ko magsalita si John ulit kaya nakawala din si Emily sa pagkakahawak ko. "Kundiman dapat diyan."

     "Ang korni naman nun!" Reklamo niya at napaupo sa tabi ni lola. "At bakit naman ako ang manggaganun? Siya dapat, noh."

     Isang tawa ang nakuha niya rito. "Kung kaya ng ate mo, tiyak ay kaya mo rin. Tiwala lang."

     Umangat ang kamay ko sa kwintas at sinundan niya ito ng tingin, iba't ibang emosyong lumalangoy sa mapupungay niyang mga mata. Nakita ko rin ang pagtiim ng kanyang bagang, para bang kinokontrol niya ang sarili't damdamin.

     Napahalakhak si lola kasama si Emily na linulubos ang pagkakataon na pahiyain ako. "Talaga ba, apo? May hinarana ka?"

     Hindi ako makasagot sa tanong niya dahil nakatuon ang pansin ko kay Juanito.

     At mula sa kanyang ekspresyon ay nakuha ko na alam niyang alam ko ang tunay niyang katauhan.

I LOVE YOU SINCE 1892 → ALTERNATE ENDINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon