Crystal POV
"You should be very thankful you grow up like this young lady!! Pero kung wala ako ano ka nalang ha? Wala na mga magulang mo ija!! You should be responsible to yourself!! Baka maaga pa ako mamatay sa iyo nito!!"
"Sorry po lola!! Opo hindi na po ako mag aaral magtatrabaho lang muna ako tapus kung meron na akong pera tsaka na ako magaaral ulit" Sabi ko sa lola kong palagi na lang stress pero mahal niya ako ha!! Wag kayong ano!!
"O sya! Mag ayos ka na tapus mag hanap ka na ng trabaho mo!!" Sabi naman ni Lola tapus umupo sa kanyang palaging inuupuan.
"Opo!" Nag bow ako tapus pumunta na sa kwarto ko. Heto kasi yun!! Mahirap lang kami ni Lola dahil namatay si Mama at Papa. Hindi rin naman kami mahirap noon dahil meron kaming cafe ng amin pero na baon kami sa utang kaya lahat ng pinaghirapan nila Mama at Papa nawala na dahil pinabili na nila yung cafe na yun kasabay rin ng araw na yun ang pagkamatay nila.
Sobra ako nalungkot walang araw na hindi ako umiiyak. May kapatid rin ako pero nandun sa ibang bansa at may sarili ng pamilya. Pinapadalhan naman kami ng pera pero iniipon namin ito ni Lola para sa kinabukasan ko at para na rin mabawi yung cafe namin. Yun lang kasing memories nina Mama at Papa ang natira sa amin.
Anyways, tapus na rin naman akong maligo kumuha na lamang ako ng suklay sa aking drawer at sinuklay yung pula na may highlight na yellow kong buhok. Lahi na namin 'to si Mama kasi American kaya medyo marunong ako mag english. Medyo lang naman! Pag nagiging emote ako diyan nalalabas ang lahat na english ko haha lol!.
Pagkatapus kong sumuklay kinuha ko yung clear book kong puno ng mga requirements para sa pag aaply ng trabaho. Pagdating ko sa balcony pumunta ako kay Lola. Nag mano ako at nag kiss.
"Uuwi ako ng maaga Lola!! Pag umuwi ako ng gabi saraduhin niyo lang yung pintuan okay?" Tumango lamang siya dahil inaantok pa rin ito. Well, actually may sakit siya eh kaya may taning na yung buhay niya ang sakit niya ay pneumonoultramicroscopisilicovolcanocaniosis (cancer po ito na galing sa abo ng bulkan). Meron kasi kaming bahay malapit sa Mt. Apo kaya nakalanghap siya siguro ng abo ng bulkan timing rin kasi na kakatapus lang pumutok yung Mt. Apo.
Nung sinarado ko yung gate kinuha ko yung bike ko na palaging naka parada sa bahay ko syempre nakalock ito para hindi makuha. Nilagay ko yung bag ko sa front basket nito at nag paddle nasa aking bike.
Humanap ako ng trabaho dito sa mga subdivision baka gusto kasi ng maid. Malapit lang kasi yung barangay namin sa limang subdivision which is the Celine, East homes 2,East homes 3, Alexandra at Camelot.
Pumunta ako sa Camelot dahil marami ditong naghahanap ng maid. Pumunta muna ako sa Crescent Street dahil rinig ko may mayayaman daw dito na nagtitira at anak siguro sila ng isa sa kompanya sa Maynila.
Pero sa pagkatanga ko at hindi ko na kita yung dinadaanan ko kaya muntik na ako makabangga ng tao.
Wait!! Hindi pala tao isang anghel. Pagkaangat niya ng ulo niya isa ngang anghel ang bumungad sa akin. Teka?! Patay na ba ako? Ganyan ba kalala yung pagkatumba ko? Pero hindi naman ako nakaramdam ng masakit huh?!
Pero nagbago ang pagisip ko nung nagsalita siya.
"Hoy babae!! May balak ka bang patayin ako ha?! Pag nasira yung mukha ko patay ka talaga sa aking babae ka?!" Aba't ang yabang nito ha. Gwapo sana! Pero wag ko nang patulan dahil mabait ako (mabait dw😒) manahimik ka nga author!!(manahimik nga diba sabi ko)
Tutal ako rin namang muntik makapatay ng tao! Kaya wag na.
"Sorry ho!! Okay lang po ba kayo?" Sabi ko at tinulungan ko siyang makatayo pero peerrooo. Amputcha!! Tinabig yung kamay ko sa braso niya.