Bisita

224 7 6
                                    

Crystal POV

Napatingin kami sa gate na bumukas at laking gulat ko nung bumungad ang



Apat na mag pinsan!!!!!!!

Paano nila nalaman na nandito ako?(Hello? Nagkaamnesia ka na bang babae ka syempre may iniwan kang sulat sa kanila like duh!!) wow!! Amnesia na agad hindi ba pwedeng nakalimutan lang *rolled eyes*.

"Bakit kayo nandito?" Sabi ko tapus lumapit sa kanila.

"Nakita ko kasi yung sulat tapus napagdesisyunan kong mag bisita este kami. Napilitan lang 'tong tatlo na 'to dahil pagdating ng pagdating nila nag video games ka agad" Sabi ni James sabay kamot sa ulo. Pero yung tatlo nakangisi lang i mean dalawa lang pala  yung isa naka poker face lang. Alam niyo naman siguro kung sino yung tinutukoy ko pero kung hindi niyo alam. Si Graedan at si Sean yung nakangisi tapus si Theo nakapoker face lang.

"Wow paslit ang sexy mo pala! Witiwiw!!" Nakangising sabi ni Sean. Buti na lang malayo kami kay Lola kung ano ano na kasi yung pinagsasabi nito. Ayaw kasi ni Lola na may mang babastus sa akin kaya ganun.

May bigla namang nag bigay sa akin ng jacket. Tiningnan ko kung sino yung nag bigay at si Theo lang pala..... WHAATT??!! SI THEO??!! Eh bakit niya naman ako bibigyan ng jacket?

"Aanhin ko 'to?" Tanong ko sa kanya pero naka iwas lang siya ng tingin sa akin pero alam kong naka pokerface pa rin siya.

"Takpan mo nga yang legs mo nakakahiya!! May mga lalaki dito oh!!" Concern? Ano naman paki alam niya sa akin?.

"Uy!! Concern si Theo oh!!" Asar nila ni Sean at Graedan pero nakita kung tiningnan pang sila ni Theo ng masama kaya tumigil na sila.

"Anong concern ka dyan?! Ang panget kaya ng legs niya" Aba't nang insulto pa!! Hindi naman panget yung legs ko ha. Ang puti nga eh!! Hindi nalang ako pumatol dahil pasalamat sila nandito yung Lola ko pero kung hindi jumbag talaga sila sa akin. Nilagay ko yung jacket ni Theo sa bewang ko.

"Oh ayan!! Happy kana?" Sabi ko tapus naglakad na ulit papunta kay Lola. Mabubwisit lang ako sa kanila eh!! Naramdaman ko naman yung pagsunod nila. Nung nandun na kami sa balconahe nag mano agad sila kay Lola.

"Ah Lola! Sila po yung mga amo ko" Sabi ko tapus ngumiti.

"Amo mo ito?! Ang gagwapo naman nila!! Sino yung manliligaw mo dito?"

"Po?! Wala po akong manliligaw di--" natigilan ako nung sumalita si Graedan naikagulat ko.

"Ako po yung manliligaw!!" Sabi ni Graedan tapus may pa cool cool pose pa siya.

"Ano pinagsasabi mo dyan Graedan?! Hindi kita manliligaw noh!!! Seryoso Lola wala po akong manliligaw diyan sa kanila!" Paliwanag ko kay Lola and thankfully naniwala siya pero...

"Hindi ko gusto yung lalaki na 'to!! Ang gusto ko ang nag bigay ng jacket niya sayo!!" Sabi ni Lola tapus tinuro si Theo. Whuutt??!! Si Theo??! Eh mas worst yan eh!!

"Po?! Jusko sya?! Eh mas worst panga Yan kaysa sa kay Graedan" Reklamo ko kaya binatukan ako ni Theo.

"Tingnan nyo Lola oh! Huhu! Binatukan ako!" Nguso ko kay lola pero hayysst mukhang nasasayahan pa si Lola. Tssk! Anu ba yan?!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 28, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Maid ako ng Cassanova KingsWhere stories live. Discover now