Ankle Sprain

151 11 1
                                    


After 2 days later...

Crystal POV

"Wag nga kayong magkalat!! Kakalinis ko lang 'to oh!!" Inis kong sabi sa kanila. Bwiset!! Kanina pa ako nabwibwiset sa tatlong mag pinsan dito ha!!

"Wag ka nga mangialam dito paslit!! Nag vi-video game kami ho!! Kuha mo na lang kami ng popcorn!!"-Sean

Siya yung pala utos sa kanilang tatlo.

"Popcorn?! Eh wala ng bag na popcorn dun sa kusina!!" Galit kong sabi.

"Edi bumili ka!!" Nakakainis na sabi naman ni Theo habang focus na focus sa pinaglalaruan nila.

"Wala akong pera!!" Tumingin sila sa akin na parang are-you-kidding-me-?Look. -  -, yan mainis kayo!! Sa totoo lang may pera naman ako pero tinitipon ko yun noh.

"Seriously paslit?"-Theo

"Sus! Panggap pa more!! May pera yan!"-Noven

"Your not good in acting paslit!!"-Sean

Ganyan ba ako kahalata. Shiit! Baka nakita nila na napangisi ako. Nag give up na lang ako at pumunta na sa kwarto ko at bumihis syempre. Ano ipapasuot niyo ako ng ganito? Maid uniform? Seriously?

Anyways, kinuha ko yung long sleeve na crop top ko at leggings. Kinuha ko rin yung converse high kong sapatos. Pinonytail ko yung buhok ko at bumaba na. Pagdating ko sa living room nakita ko pa rin silang naglalaro.

"Pera!" Sabay angat sa mukha ni Theo yung kamay ko pero nagulat siya.

"Ay butiki!!"-Theo

"Kabayong may kuto"Graedan

"Butiking may slime!"-Sean

"Eww!! Nakakadiri kayo! Sa ganda kong 'to" Sabi ko habang may padiridiri effect pa.

"Nagulat kasi kami dahil akala namin may butiki na  bumungad sa amin!!" Sabi ni Theo "Tsaka pera? Wala kaming pera! Akala ko meron ka na?" Dagdag niya pa.

"Iniipon ko yun noh!" Sabi ko.

"Para saan naman paslit?" Sabi ni Graedan.

"Para sa kinabukasan ko at para na rin mabawi yung cafe namin!" Sabi ko tapus nagulat naman sila.

"May cafe kayo?"- Theo

"Akala ko mahirap ka paslit!!"-Sean

"Wow!! Ganda may cafe pero bakit kailangan mo pang mabawi?"- Graedan

"Aiishh!! I hate to tell my story lalo na't hindi ko pa kakilala!" Inis kong sabi tapus kinakamot pa yung buhok sa inis.

"Kilala mo naman kami ha!! Diba!" Pilosopng sabi ni Theo. Jusko!! Ang kulit talaga nito at napakapilosopo pa.

"I mean yung true personality niyo talaga yung mga storya niyo at naging buhay niyo!! Clear? Kaya saan na yung pera?!" Sabay angat sa kamay ko sa kanila.

"Wala nga kaming pera!!" Sabi ni Theo habang nakatutok pa rin sa pag video game.

"Sus! Ang yaman yaman niyo wala kayong pera!! Kuripot kamo!" Sabi ko sabay upo sa sala. Ng naka isip ako ng ideya.

"Sasama na lang kaya kayo sa akin? Para wala ng gulo!! Oh diba problem solve!!" Sabi ko pero bigla hinila ni Sean yung paa ko kaya napahiga ako sa sahig. Aray!! Ang sakit ng ulo ko buti may rug pag walang rug 'to malintikan talaga siya sa akin. Waaaahhh!! Baka magka amnesia na ako nito.

Ay! Amnesia agad! Hindi comatoes muna bago amnesia. Ang bobo mo talaga Crystal!!

"Aray!! Putcha ano ba?! Bakit bigla bigla mo na lang ako hinila?! Buti may rug dito pero kung wala baka hospital na ang dako ko nito!!" Galit kong reklamo sa kanya.

"Eh!! Sino ang may kasalanan? Alam mo na naman na busy kami dito ho!!"-Sean

"Wow!! So ako yung may kasalanan dito ako na nga yung nahulog ako pa yung nakasala dito!! Eh sino kaya ang humila sa akin? Diba? Walang utak!!" Sarkastiko kong sabi sa kanya. Bwisit!! Patabog akong pumunta sa kwarto ko at bumihis ulit ng uniform namin. Bahala sila!! Eh sino kaya ang magugutom sa atin? Sana magmasakit sila. Bwisit!!

Napahiga na lang ako sa inis pero bigla ako nadalawan ng antok dahil nakakapagod yung araw ko ngayun dahil sa mga Mag pinsan na mga Hudas.

💞💞💞

Napadilat ako nung may narinig akong bumusina sa labas ng gate. Eh diba! Automatic yung gate na yun bakit may bumusina pa? At makabusina siya parang masisira na yung eardrums mo.

Bumangon ako at dali daling pumunta sa ibaba. Pero laking gulat ko nung may natapakan akong banana peel kaya napaslide ako at nabunggo sa sofa.

"Hahahahahahahhahahahahhahahahahah"-Sean

"Tanga!! Hahahahahhahaha"-Graedan

"Bobo!!Hahahahahhahha"-Theo nakakarating palang at may hawak na parang trumpet na ginagamit sa mga fans kapag may basketball o iba't ibang sports. Bwisit!! Siya pala yung bumusina sa labas gamit niyan. Nakakainis nahulog ako sa biro nila ha!

"Nakakainis talaga kayo mga Hudas!!" Sabay walk out pero nung humakbang ako parang may naramdaman akong manhid sa ankle ko kaya napaupo ako habang hinahawakan yung ankle ko. Bwisit!! Ang sakit sa sobrang sakit napasigaw ako.

"Aray!!" Sigaw ko habang hinihilot yung ankle ko pero masakit pa rin.

"Sus! Ang arte mo paslit!!"-Theo

"Psstt!! Your not good at acting"-Graedan

"Sus!! Nag inarte lang yan para matulungan natin siya" -Sean

Bwiisssiitt!! Masakit na nga yung ankle ko nakikidagdag itong mga Hudas ito. Hindi ko sila pinatulan sa sobrang sakit ng ankle shiitt!' Baka na twist ito sinubukan kong igalawa yung ankle pero...

"WAAAAAHHHH!!!" Shiitt!! Sobrang sakit!! Nagulat ako nung tumabog papalapit sa akin yung tatlong Hudas.

"Okay ka lang?" Sabay nilang sabi. Makita mo sa kanilang mga mukha ang grabeng pagalala nilang tatlo. Shhiitt!! Naiiyak na talaga ako sa sobrang sakit!

"Graedan tumawag ka ng private doctor palli!!" Sabi ni Theo. Nagulat ako nung binuhat nya ako ng pa bridal style. Hindi ko na lang siya inaway dahil sa sakit ng ankle ko. Pumunta siya sa kwarto ko at nilagay ako sa aking kama. Hawak hawak ko pa rin yung ankle at naramdaman ko na lang yung luha sa mukha ko.

Yumuko lang ako para hindi makita ni Theo yung mga luha ko. Nakakahiya kaya! Mamaya'y dumating na ang private doctor na tinawagan ni Graedan at chineck ako. Pagkatapus niyang i check ako nilagyan niya ito ng bandage.

"How is her doc?" Sean ask the doctor.

"Gladly she didn't twist her ankle maybe a little rest will do!" Ngumiti yung doctor tapus umalis na ng walang bayad. Huh? Bakit hindi siya binayaran?

"Hoy! Bakit hindi niyo binayaran yun?" Sabi ko tapus tinuro pa sila ni Theo.

"Wag mo kaming mapa hoy-hoy dyan ha! Private doctor namin yun! Ganda noh! Hindi tulad ng mukha mo!" Aba aba! Nagawa pa nitong mang asar ha.

"Hoy! Ikaw Sean nakita mong nasasaktan na dito ang tao inaasar mo pa!! Mga hudas talaga kayo noh! Pero kanina para kayong mga anghel nagawa niyo pa pala mag alala noh! Wow! Ang petmalu niyo!" Napaslow clap ako sa kanila.

"Anghel naman kami ah!! Pang goddesses yung kagwapuhan namin!" Aba't nagawa pang yumabang yung isang 'to.

"Ang yabang yabang mo talaga Sean noh!!" Sabi ko habang tinuturo siya. Naku!! Nang gigil na talaga ako sa kanila!! Parang puputok na ako dito sa sobrang inis at asar.

"Umalis na nga kayo dito!! Magpapahinga pa ako para paggumaling na ako sisipain ko talaga kayong tatlo pangako ko yan sa inyo!!" Alam mo ano lang ang ginawa nila! Tumawa lang namin sila tapus umalis na pero naririnig ko pa rin yung tawa nila. Ugh! Akala nila hindi ko yun tutuparin! Pwes tutuparin natin. 😏

€€€

THE END~~~

Chus!! Hahahaha! Don't worry their will be a next chapter!! Comment lang po kayo kung napapangetan kayo sa concept dahil kaunaunahang libro ko pa lang kasi 'to. Hehe!! I hope you Enjoy!! Thank u guys!! Saranghae😘

-전 정 국💖

BTW MIRI IN THE MEDIA!! SO CUUTTTEn

Maid ako ng Cassanova KingsWhere stories live. Discover now