A/N: Guys! 50+ na po yung readers sana paramihin pa natin para ganahan akong magsulat.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~Dianne's POV:
Maaga akong nagising kaya bumaba muna ako para uminom ng tubig. Malapit na ako sa kusina ng may narinig akong kalampag na nagumula sa kusina.
"Si-sino 'yan?" utal kong sabi. Naglakad ako ng dahan-dahan papuntang kusina sakto na hagilap ko yung walis tambo kaya agad ko itong dinampot. Dianne 'wag kang matakot. Di ba matapang ka? bulong ko sa sarili ko. Isang hakbang ko na lang ay makakapasok na ako sa kusina ng biglang may humawak sa balikat ko. "Ahh-----ahhhhh!! sigaw ko sabay takbo papuntang kusina para magtago.
"LORD! Sorry sa mga mali kong nagawa. Sorry kung pasaway ako kay mama. Sorry po kase ang dami ko ng kasalanang nagagawa. Patawarin niyo na po ako.." sabi ko. Biglang may kumalabog na nman "Ahh!! Lord! Huwag niyo naman po akong takutin" pagmamakaawa ko. Ay! Jusko ko. Mamamatay na yata ako. Tumahimik ako ng biglang bumukas ang ilaw sa kusina at niluwa si mama sa pinto.
Biglang kong niyakap si mama."Ma! Natatakot ako kase kanina may humawk sa balikat ko" iyak ko kay mama. "Ano ka ba baby dianne wag kang matakot kase ako yung humawak sa balikat mo." napaangat bigla yung ulo ko sa narinig ko mula kay mama. "Ba't mo ginawa 'yun?" iak ko na namang sabi. "Halika! Punta sa sala para makapagusap tayo ng maayos" sabi ni mama. Pagkaupo namin ay agad nsgsimula si mama sa pagkukuwento.
Czyra's PoV:
Nagising ako bigla ng may narinig akong ingay sa baba kaya dali dali akong bumangon para matingnan. Pagkababa ko ay agad akong pumunta sa kusina kung saan nagmula ang kalabog. Pagdating ko doon nakita ko ang mga kaldero ay nasa sahig na. Siguro yung mga dagang naghahabulan lang siguro 'yun bulong ko sa sarili ko.
Pagkatapos kong ayusin ang mga kaldero ay pumunta muna ako sa cr para maghilamos ng mukha. Uupo sana ako sa malambot naming sofa ng may nahagip ang aking mata na tao sa kusina kaya agad kung pinuntahan. Habang palapit ako sa kanya nalaman ko na kung sino siya. Si baby dianne to! Pigura pa lang o! hinawakan ko siya sa balikat. Magsasalita na sana ako "Ba--.." ng biglang siyang sumigaw at takbo sa kusina. Sinundan ko siya sa kusina at sa hindi inaasahan may sinasabi siya pero di ko maintidihan kase sobrang bilis ng pagkakasabi niya ang tanging narinig ko lang ay huwag niyo naman akong takutin.
"Akala ko mamamatay na ako sa sobrang takot" sabi ni baby dianne
"Huwag kang magsalita ng ganyan" saway ko sa kanya. "Sorry po"sabi niya sa akin. "Huwag kang mag sorry sa'kin wala kang kasalanan" mahinahon kong sabi.
"Ma! Anong oras na pala" tanong niya sa akin
Tumingin ako sa wrist watch ko "Baby Dianne it's already 5:20" sabi ko sa kanya.
"Sige Ma! Punta muna ako sa kwarto ko para ihanda ang mga gamit ko."
"Sige umakyat ka na at ako'y magluluto ng almusal niyo." saad ko.
Pagkaakyat ni baby dianne ay pumunta na akong kusina para makapagluto na.
Dianne's POV:
Pagkaakyat ko ay agad na akong nagayos ng mga dadalhin ko sa school. Excited na akong sabihin kay jhane na kami yung napili na mag audition sa Tune University. Bago ako maligo sinipat ko muna ang oras sa cellphone ko.
Tahimik ang buong paligid habang kami ay kumakain. Nabasag ang katahimikan ng magtanong si mama."Matt!! Kamusta naman ang pagaaral?".
"Okay naman ma! Pero hindi ako makapagaral ng mabuti kase ang daming humahabol sa akin na mga babae". inis na sabi ni kuya "Iba talaga kapag pinanganak kang gwapo lahat ng babae nagkakkandarapa sa akin, kulang na lang maglupasay sa harapan ko" dugtong pa niya kaya napasamid ako ng wala sa oras.
YOU ARE READING
Tune University
RandomCzarina Dianne Romualdez simple lang ang buhay niya. Hindi mayaman Hindi mahirap Ang hangad lamang ni Dianne ay maipakita niya ang kanyang Golden voice sa buong mundo. What if makapasok si Dianne sa sikat na paaralan na kung saan masasalamuha mo ang...