Chapter 2

0 0 0
                                    

Aire's POV

"Sinabihan ka na namin tungkol diyan kaso ayaw mo parin maniwala. Ayan tuloy nagkasugat ka pa" pangagaral sakin ni Maea habang dinadampian ng bulak ang aking sugat.

"Meae, sa tingin mo wala talaga akong pag-asa kay Xervan?" Tanong ko sakanya. Tinignan niya ako na parang hinde makapaniwala

"Ilang ulit na namin sinabi sa iyo na WALA KA TALAGANG PAG-ASA SAKANYA" gigil na sabi nito

"Hays. Hinde ko aakalain na kaya niya akong saktan" well totoo naman. Dati kase tinatapunan niya lang ako ng isang malamig na tingin na para bang naiinis siya sakin pero ngayon first time niya akong nahawakan pero nasaktan pa ako.

"Aire. Itigil mo na ito please?" Pagmamakaawa ni Klear na nakaupo sa harap ko

"Susubukan ko na" napabuntong hininga nalang ako. Siguro nga wala talaga akong pag-asa sakanya

"'Yan kase ang landi-landi" rinig kong mga bulong ng mga estudyante habahg naglalakad ako sa hallway.

Hinde ko nalang sila pinansin. Wala akong pakialam sakanya. Nang bigla akong napadapa sa sahig. Tinawanan nila akong lahat. Hinde agad ako nakatayo dahil nga masakit pa ang braso ko

"Who the hell did this?!" Isang kilala kong boses ang narinig ko. Teka! Si-

"Xervan" utal ng mga estudyante roon. Agad naman akong hinila ni Xervan patayo. Napangiwi ako dahil ang hinila niyang braso ay yung may sugat pa

"No one is allowed to hurt nor touch her. I am the only one can do those. Understand?" Sabi niya sa mariing tuno habang hinigpitan pa lalo ang hawak sa braso

"Xervan. Masakit" sabi ko nalang

"I don't care" at agad niya akong binitawan at iniwan mag-isa sa mga mapanuring mga mata ng mga tao roon

I was ForgottenWhere stories live. Discover now