Pagkatapos ko makita ang nangyare. Pumunta kami ng batang babaeng multo o si Demi sa Police Station,sinasabi niya sa akin ang itsura ng mukha ng lalaking nagbaril sa kanya.
Nung nagtapos ang pagiisketch ng mukha ng lalaki, ipinakalat nila ang litrato para mahuli ito. Naghintay kami ng resulta kaya naupo ako ngayon sa upuan.
"Demi,Asan pala ang itay mo ngayon" bulong ko sa kanya.
"Anduon po sa itay sa Morgue kukunin ang bangkay ko" sabi niya na may halong lungkot sa kanyang mga mata.
"Wag kang magalala magkakaroon ka rin ng hustisya at pupunta tayo sa itay mo ngay~~~" naputol ang aking sasabihin dahil tinawag ang pangalan ko.
"Ms. Santiago, Right?"sinabi niya at tumango ako para sa sabihin na ako.
"May balita na po kami sa hinahanap ninyo siya po ay si Arben "Dugul" Masilo siya po ay nakita na gumagamit ng shabu." sabi niya sa akin.
"Maraming salamat po!, Ipapapatuloy ko po anh demanda at makukulong siya, habang siya ay nabubuhay."matapos ko iyon sabihin. Tinignan ko si Demi na maluha-luha dahil sa tuwa makukulong na ang may sala.
Pagkatapos na sabihin ng pulis nagpaalam ako sa kanila at pinuntahan namin ang bahay ni Demi. Sinabi ko ang lahat ng nangyare sa tatay ni Demi, noong una ay ayaw niyang maniwala pero nakaisip si Demi ng paraan, niyakap niya ang kanyang ama naramdaman ito ng matanda kaya naniwala na siya na totoo ang aking mga sinabi.
"Maraming Salamat sa iyo iha." Sabi ko sa matanda na naiiyak sa tuwa dahil sa nangyare.
"Walang anuman po. Mauuna na po ako anong oras na po kase." Sabi ko ng nakangiti.
Nginitian na lamang ako ng matanda at si Demi ay kinisan ako sa pisnge tanda ng pagpapasalamat niya sa akin. Dumeretso na ako at sumakay ng tricycle dahil malapit lamang ito sa bahay ni tito.
Nung nakarating na ako, napansin ko na may pumapasok na mga estudyante. Ano bang oras na?. Tanung ko sa aking sarili, tinignan ko ang relos ko at ~~~
"Paktay! 4:59 am na!. Ilang oras na lang pala." bulong ko sa aking sarili.
Nagmadali umakyat sa likod ng bahay at pumasok sa kwarto, iniiwang ko itong bukas para sa ganitong pagkakataon para hindi ako mahuli ni tito. Kinuha ko na ang uniform ko at nagbihis na.
TOK! TOK! TOK!
"Lielet! Bumangon kana! Kanina pa kita kinakatok d'yan. Ba't ayaw mong lumabas."
"Tito! Nasa banyo na ako, pupunta na ako jan." sabi ko na nagmamadali.
"Bilisan mo at bumaba kana. Malelate kana." Sabi sa akin ni tito.
"Wait a minute kapeng hindi pa mainit haha."sabi ko ng tumatawa.
"Nako! Kalokohan mo talaga haha." Sabi ni tito na tatawa-tawa.
Pagkatapos kong ayusin ang dapat ayusin, lumabas na ako ng kwarto at naamoy ko agad ang napakabangon pagkain na inihanda ni tito.
"Goodmorning tito ko na pogi." Sabi ko kay tito na malapad ang ngiti.
"Oh!,Goodmorning din" sabi ni tito.
Tinignan ko na lamang ang pagkain na inihanda para sa akin ni tito, ang bango at ang sarap sarap kahit tignan mo lamang ito.
"May napansin ako sayo Lielet."sabi ni tito na seryoso ang tono.
Napahinto ako sa pagkain. Nakaramdam ako takot,kaba at kung ano-ano pa. Pagkatapos ko lunukin ang aking kinain, tinignan ko si tito at nagsalita ng.
"Ano iyon tito?"pagkasabi ko nun ay bigla na lamang tumawa si tito.
"Hahaha!Bakit ang seryoso mo?. Napansin ko lang na ang laki ng eyebags mo tapos yang uniporme mo lukot-lukot tapos yang buhok mo na para kang pinagkait ng suklay hindi mo inaayos hahaha!." Sabi ni tito na tawa pa rin ng tawa.
"Eh? Sige tito mauuna na ako, ikain mo na lang yan hindi kana nasanay sa akin ganito na ako dati pa." Sabi ko ng seryoso.
Kinukuha ko na lamang ang gamit ko at dumiretso na sa labas. Iba pakiramdam ko ngayon araw
"Oa mo leilet, walang mangyayare sa iyo na ipapahamak mo" sabi ko na lamang sa aking sarili.
This chapter is dedicated to my friend DosEternity😘
So that's all guys for tonight. Sana magustuhan ninyo and please vote. Thank you guys!😊 sorry sa mga typo.
~UB
BINABASA MO ANG
The 14th Daughter
Mystery / ThrillerSi Scarlet Kylie Santiago o kilalang bilang "Lielet" ay isang ordinaryong babaeng na may sumpa. Siya ay nakakakita ng mga kaluluwa. Nakikita niya kung paano ito na mamatay kapag nahahawakan niya kahit ano mang bahagi ng katawan. Paano kung isang or...