III- New Friends or New Enemy(Part 2)

55 6 0
                                    

{Canteen}

Napunta na kami sa canteen.

"Kylieeeee" nakakabinging sabi ni lee.

"Oh! bakit na naman?" sabi ko sa kanya ang lakas ng boses.

"Wag tayong uupo sa gitna,duon na lang tayo sa gilid kase jan nakaupo ang The Clash." sabi niya sa akin.

"The Clash?" sabi ko naguguluhan.

"Oo sila ang sikat na grupo dito ,kaya wag kang lalapit o titignan ang mga mata nila kase para ka ka naring pumasok sa mundo nila at ikaw ang alipin,  para silang hari at reyna dito sa school" sabi niya na parang siguradong sigurado.

"Tss. Ano sila si hari at reyna?" sabi ko na parang bored na bored.

"Umupo muna tayo baka marinig nila tayo" sabi niya.

"Bahala ka" sabi ko sa kanya.

Umupo kami at siya naman ang magoorder ng pagkain namin.

"Kyliee, Ano gusto mong pagkain?" sabi niya.

"Bahala ka na basta yung masarap" sabi ko isinaksak ang sa tenga ang earphone at nagpatugtug.

Habang nagpapatutug ako.
Makakatulog na sana ako pero naging maingay ang paligid,ang daming nagtitilian at naghihiyawan canteen to diba? bakit may ganoon?. Tinignan ko ang kung saan ang maingay at naghihiyawan. Nakita ko ang grupo na sinasabi nilang ~~~.

"Theeee Claaaaashhhh"

"Ang gwapo lalo na si Bryan Kyle"

"Kasama niya yung Queen Bee"

"Waaaah... silaa na baa?"

"Siguro bagay silaaa ang maganda at gwapo.

"BraSid! BraSid! BraSid"

"Haist yun lang pala akala ko naman kung sino na tss." Sabi ko at umupo na lamang. Nakita ko si lee na palapit na dito may dalang pagkain.

"Kylieee ito na oh" sabi niya na hingal na hingal.

"Bakit hingal na hingal ka?" Sabi ko sa kanya.

"Paano ba naman eh naguunahan edi nakipagunahan ako haha.." sabi niya sabay tawa. Baliw

Habang kumakain kami,napakadaldal nitong si lee, ang daming niyang kwenentong ewan ko, hindi ko naman pinansin.

*Riiiiiiiiiiiing! Riiiiiiiiiiiiing!*

Tapos na ang recess kaya nagmadali na kami ni lee para pumunta sa susunod na klase.

~Science

~Math

~Araling panlipunan

At sa wakas ay uwean na. Wala naman ginawa pakilala lang ng pakilala,edi nagkabusaduhan na, nakakaantok na talaga, wala pa akong tulog huhu.


"Una na ako sayo Kylie" sabi ni Lee sa akin dahil may sundo siyang kotse na mamahalin.


"Sige,bukas ulit" sabi ko na lamang sa kanya.

Habang nasa daan ako,papunta sa bahay ni tito wala man lang katao-tao nakakainis naman baka may makita nanaman ako nito. Wala naman siguro,hindi ko pa pala napapakilala ang sarili ko sa inyo.


Ako si Scarlet Kylie Santiago bahala na kayo kung ano gusto ninyo tawag sa akin, 17 years old na ako bakit? Kase pahinto-hinto ako ng pagaaral. Sa Nov 1 yung kaarawan ko, diba nakakatakot, araw pa ng patay ang kaarawan ko, nung namatay si mama duon palipat- lipat na kami, kapag tinatanung ko si tito sabi niya,para daw laging bago ang bahay haha kaya hindi ko na tinanung kase yan lagi niyang dahilan.

"Ateee"

"Atee tulungan ninyo ako"

Napalingon ako sa likod,parang pansin ko puro sa likod ah, hindi ba pwedeng sa unahan? ang sakit na ng leeg ko kakatingin sa likod.

"Ate tulungan ninyo ako" sabi ng dalagang babae.

"Ano maitutulong ko?" Sabi ko.

"Hustisya" sabi niya at nagmamakaawa.

"Hustisya? Sino ang gumawa sayo yan" sabi ko na nagtataka at napansin kong may nanunuod sa amin kaya~~.

"Wag kang magtago! Napansin na kita! lumabas ka sa tinataguan mo" sabi ko sa babaeng nagtatago kanina pa.

"CARLEE??" gulat na gulat kong tanung.


"Scarlet? Don't tell me na nakakakita ka rin ng multo?" Sabi niya nagulat na gulat.

"Oo bakit ikaw?"sabi ko sa kanya.

"Oo at tagal ko ng tinatago ito, ayokong kong iniiwasan ako ng tao, dahil sa pesteng kapangayarihan ba ang tawag dito." Sabi niya sa akin.

"Wag mong sabihin na peste ang kakayahan mo,dahil pwede kang tumulong sa mga kaluluwang gustong huminge ng hustisya."sabi ko na lamang,buti na lang ay wala ng tao ngayon kung hindi para kami tanga dito ni Lee.


"Pasensya na. Tutulungan mo ba ang dalagang iyan"sabi niya at sabay tingin sa dalagang warak na warak ang damit. May pasa ito sa mukha at may nakabaon na martilyo sa kanyang kaliwang mata.

"Oo! Gusto mo bang sumama?"sabi ko sa kanya.

"Pwede ba? Baka makagulo lang ako?"sabi niya sa akin na parang nahihiya.

"Kung ayaw mo edi wag" sabi ko sa kanya. Tumalikod na ako at nagumpisa na maglakad.

1

2


"Oo! Sasama na ako" sabi niya sa akin

"Lika na! And Let's Adventure Begin!" Sabi ko sa kanya na excited na.


This chapter is dedicated to my friend
Kyrise_mejjji27 😘



Hello! Goodevening guys.Thank you for reading at please vote.

The 14th DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon