Ella's POV
" Manang si Patrick po? " tanong ko.
" Nauna na iha. Kumain ka na muna " sagot ni manang habang hinahanda ang pagkain ko.
Hay. Iniwan na naman niya ako
" Sumabay ka na sa kin manang. Ang lungkot naman kumain mag-isa " aya ko sa kanya. Hindi na siya tumanggi pa.
***
" Salamat po " sabi ko at bumaba na sa sasakyan." Hoy babae, anong drama yan? " bungad sa akin ni Juliana kasama si Althea. Sila ang mga bestfriend ko ever since highschool.
" Anong drama? " nagtataka kong tanong
" Iniwan ka na naman ba ng asawa mo? " tanong niya. Agad ko naman siyang sinuway at pinandilatan ng mata. Buti na lang wala masyadong tao na dumadaan at mukhang wala namang nakarinig.
" Tsk. The hell with them. " reklamo ni Athena.
" What's new? Always niya naman ginagawa yun eh " saad ko.
" Alam mo kung ako sayo hiwalayan mo na yan. " sambit ni Athena.
" Hindi ko kaya yan. You know that's the least thing I will ever do. " protesta ko sa sinabi niya.
"Mahal mo talaga ano? " tanong ni Juliana.
" Oo naman " sagot ko.
Naglalakad kami sa hallway nang marinig ko ang bulungan ng dalawang babae
" Ang swerte nung Amethyst ano? Boyfriend niya si Patrick Lim " nagpanting ang mga tenga ko sa narinig.
Agad naman akong tiningnan nila Juliana at Athena ng may pag-aalala. Nginitian ko na lang sila.
" Ano pa nga ba? " I just shrug.
Yes. No one knew except for my relatives, Juliana and Athena na kasal kami ni Patrick Kent Lim.
Patrick Kent Lim is one of the heartrob of our school. Siya na mismo ang nagsabi na huwag ipaalam sa iba ang tungkol sa kasal namin. Nasaktan ako siyempre pero as if namang may choice pa ako. It was just an arriange married after all.
" Okay class, get your book and turn to page 103 " utos ng aming guro na agad naming sinunod.
" Class dismiss " announce ng aming guro.
" Tara na bes. " aya sa akin nila Juliana. Magkaklase kaming tatlo. Same year but different course kami ni Patrick. Kumuha siya ng ABM at kami naman ay HRM.
Pumunta na kaming tatlo sa cafeteria, kakaibang eksena na agad ang nadatnan ko pagkapasok namin.
Patrick is kissing with another girl. Alam kong nakita niya akong nakatingin sa kanila pero binalewala lang niya.
Binalewala ko na lang din ang nakita ko at nag-order na lang. Sanay na rin naman ako. What do I expect? I just married a casanova.
Tapos na ang lunch break at balik na kami sa klase namin.
* Fast Forward *
" Sabay ba kayo o susunduin ka ng driver mo? " tanong ni Juliana. Tapos na ang klase at palabas na kami ng building namin.
" As if namang isasabay ako nun. Baka nga may date pa yun eh " sagot ko na parang wala lang.
" O siya mauna na kami " paalam ni Athena at tinahak na nila ang daan papuntang parking lot.
1 hour has passed pero wala pa rin si Manong Berto. Kaya tinawagan ko na siya.
" Hello ma'am? "
" Manong nasaan ka na? " tanong ko.
" Naku ma'am hiniram po ni Sir Rex yung kotse tapos sabi po ni Sir Patrick, siya na lang daw ang susundo sa'yo. Wala pa po ba siya? " sagot niya.
" Ah ganun ba. Sige ako na bahala. Baka na'traffic lang " sabi ko naman.
2 hours and 30 minutes. Still, wala pa rin siya. Baka nakalimutan na niya ako. Nagdesisyon na ako na magcommute. Agad kong pinara ang ang taxi na nakita ko.
" Manong sa Cruz Subdivision po " sabi ko.
Pagdating ko sa bahay ay naabutan ko siyang nakaupo sa sofa at nanonood ng palabas. Bwisit.
" Saan ka galing? " Wow. Diba dapat ako magtanong niyan.
" Sa paaralan po sir. May nakapagsabi po kasi na susunduin ako pero dalawang oras na ang nakalipas wala pa rin siya kaya nagcommute na lang po ako. " sagot ko, take note of the sarcasm.
Nakita ko naman ang guilt sa mukha niya pero agad namang nawala. Hindi ko na siya pinansin at pumunta sa guest room. Dito muna ako matutulog. Di naman ako galit, nagtatampo lang.
Nagbihis na ako at nahiga na sa kama. Nawalan na ako ng ganang kumain at tinatamad na rin akong bumaba kaya bukas na lang ako kakain.
Iniisip ko ang nangyari kanina at di ko namalayan na nakatulog na pala ako.

BINABASA MO ANG
Casanova's Wife
Teen FictionAno ang gagawin mo kapag makakaasawa ka ng isang casanova? ***** Story is on-going so please have patience😊 Patience is a virtue✔😉