MRBANDI 002

274 8 0
                                    

CHAPTER 2: First Encounter




(Inigo's PoV)




Kakatapos lang namen mag meeting.


Normal lang naman kase samen mag eliminate ng group e. Si Jeklyn na bahala dun, tutal sabi niya gwapo naman daw siya. Kapal.




I received a message from the higher department, telling me that my secretary just resigned for some reason. Tsss. It's easy to find a secretary.




Interviews are made by me, I'm a busy person but I still put time in finding the perfect secretary that would do her job without any mistakes.





-





I'm on my way to work. Just because I'm the boss doesn't mean that I should be late. I serve as an example to my employees.



I took my phone and dialled a number. After a few rings, it was answered.





"Send them all in the 50th floor. I'll be calling them one by one only and then the interview will be done in my office."






I immediately ended the call before he could say anything.




I am heading to my office now and my employees are greeting me as I walk pass by them.





"Goodmorning po sir."

"Magandang umaga po."

"Goodmorning Mr.Pontair."







Lahat ng nadadaanan ko ay binabati ako. Pero patay malisya lang ako at nagpatuloy lang sa paglalakad. That's just business world. You need to act strong and cold to people, kasi once na magpakita ka ng kahinaan, magte-take advantage sila sa'yo.



As I open the door to my office, may nakita akong babae at lalake na nakaupo sa couch. Sabay silang tumayo ng makita ako. Lumapit ako sa kanila.




"Goodmorning Mr.Pontair. This is Andrea Chavez, siya po ang mauuna.Maiwan ko na po muna kayo." tinanguan ko lang siya at tuluyan na nga siyang lumabas.




"Goodmorning po Sir. Ako nga po pala si Andrea Faye Chavez. 22 years old. From Caloocan City. Hobby ko po ang sumali sa mga beauty contest. Ano ba naman ang magagawa ko eh, kasi sabi nila share your blessings." Tumigi muna siya sa pagsasalita kasi tumawa siya ng mahina. "Hihi!"





Ginagago ba ako nitong babae na 'to? -_______- ano ba pinagsasabi niya?



"Miss, I need a goddamn secretary and please, this is not a beauty contest. You may leave now." sabi ko at pumunta na sa aking table.



"B-but sir, di pa po tapos ang interview."



"I said leave. NOW."





Tsssss. Walang kwenta. Umalis na ang babae na umiiyak.







(Joshua's PoV)

(Bee: Si Joshua po ay yung lalaking tinawagan ni Inigo kanina at siya rin po yung lalaki sa office na kasama ni Miss Andrea Chavez.)




Ako po si Joshua de Los Santos, temporary secretary ni Mr.Pontair habang wala pa siyang nahahanap na bagong secretary. Paano kaya yun makakahanap ng bagong secretary eh lahat umiiyak pagkalabas ng office niya. Tinotorture niya ba yun? :/




Lumabas na nga rin si Mr.Pontair mula sa kanyang opisina e. Mukhang nabwisit sa mga ininterview niya. Tuloy tuloy lang siya sa elevator. At ayun nga, umalis na.




SAN NAMAN KAYA YUN PUPUNTA?





(Third Person's PoV)



Tuluyan na ngang umalis si Inigo at pumuntang parking lot. Pinaandar niya na ang kanyang sasakyan at pumunta sa park malapit sa beach. Gusto niya munang makapag-relax dahil nabwisit siya sa kanyang mga ininterview.



Nagpaikot-ikot lang siya sa park at humanap muna ng pwedeng mapag-parkingan ng sasakyan.



Nang makapagpark na siya, lumabas na siya sa sasakyan at umupo muna sa bench. Mula roon ay kita mo yung napakagandang beach, mga batang naglalaro, at ang paglubog ng araw.




Pagkatapos ng kalahating oras ay umalis na rin siya at pumuntang parking lot. Pinaandar niya na ang kanyang sasakyan. Nagdadrive na siya ng magring ang kanyang telepono. Tinignan niya muna kung sino ang tumatawag at ibinalik ang kanyang tingin sa daan pero mabilis ang mga pangyayari. Mabilis siyang nagpreno pero nasagasaan niya pa rin ang babae.



Lumabas siya sa sasakyan at tinignan ang babae. Pero wala itong malay, may dala dala rin
itong mga bags. Dinala niya ang babae at ang mga dala nito sa loob ng sasakyan.


Tinawagan niya ang kanyang private doctor at sinabihan niya itong agad na pumunta sa kanyang bahay. Dun nalang niya dadalhin ang babae.






(Inigo's PoV)



Shit. Naghihintay ako ngayon sa labas ng guest room, dun na tinignan ng doctor yung babae.




Biglang bumukas ang pinto ng silid. "Doc, ano'ng nangyari? Ok lang ba siya?"




"Nahimatay lang siya dahil sa pagkabigla, ginamot ko na din ang mga konting sugat niya. Wag kang mag-alala, ok lang siya." sabi ng doctor. Nakahinga naman ako ng maluwag. "Pwede mo na siyang puntahan, gising na siya." Tinanguan ko lang siya at pumunta na nga ako sa guest room.






Nakita ko siyang nakahiga at nakatingin lang sa labas ng bintana. Nilapitan ko siya at umupo sa upuang katabi lang ng kama.






"Ok ka na ba?" mahinahon kong sambit.



Agad siyang napalingon sakin. Sinagot niya lang ako ng ngiti.




"Sorry about what happened earlier. Ako nga pala si Inigo Callum Pontair." tumayo ako at inilahad ang aking kamay para makipag-shakehands, pero tinignan niya lang ito at ngumiti ulit.



Ibababa ko na sana ang aking kamay ng magsalita siya at tinanggap ang aking kamay.



"Iona, Iona Coleen Perez."



~*~

Mr.Billionaire and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon