MRBANDI 007

266 7 5
                                    

CHAPTER 7: Her

"The best things in life aren't things."

-INIGO-

Kakauwi ko lang galing sa company, dumaan pa kasi ako dun bago umuwi para kumuha ng mga naiwan kong papers.

Dumiretso ako sa kwarto ni IC at kumatok.

Binuksan ko ang pinto, nakita ko siyang natutulog ng mahimbing.

Umupo ako sa gilid ng kama niya at hinaplos ang buhok niya.

"I won't let anyone hurt you, if possible, I will protect you from all people that will try to hurt you." hinalikan ko siya sa noo at umalis na.

-IONA-

Nagising ako dahil may narinig akong nagsasalita.

"I won't let anyone hurt, if possible, I will protect you from all people that will try to hurt you." t-teka, si Inigo yun ah. Sinaniban naman cguro ng masamang espirito, ano ba pinagsasabi nun?

Tumayo ako at dumiretso sa kusina. Gutom na akooo! Di pa ako nakakain ng lunch.

Naaalala ko na naman yung mga masasama kong kaklase. May sayad na talaga yun sila, ang childish eh, college na college na nambubully pa.

Tinignan ko ang ref, ang dami talagang laman, parang araw-araw may naglalagay ng stocks eh. Si Kuya Butler cguro.

Nakakain na kaya si Boss? Cguro hindi pa.

Kinuha ko ang ingredients para sa Fish sinigang, Chicken Sate, Fish and Veggie tempuras.

Nagsimula na akong magluto. Habang nagluluto, kumukuha rin ako ng selfies, kahit mahirap ako may instagram at cellphone ako. Binigay pa 'to saken ni Mommy nung buhay pa siya kaya todo ingat ko rito kasi mukhang mamahalin pa.

Pagkatapos kong magluto, naghugas muna ako at nilagay na sa tray ang mga niluto ko. Nasa harap na ako ng pintuan ni Boss, sumigaw nalang ako kasi may dala pa akong tray eh.

"BOSS! KAIN NA, NAGLUTO AKO!"

"What do you need? Are you okay?" bungad saken ni Boss pagkabukas niya ng pinto. Mukhang kakagising niya lang.

"Nagluto ako Boss oh! Kain ka na."

Kinuha niya ang tray na dala ko.

"Nakakain ka na ba?" tanong niya.

"Wala pa nga Boss eh."

"Come eat with me."

"Teka lang, kukuha muna ako ng kutsara't tinidor."

Papaalis na sana ako ng hinigit niya ang braso ko. Nasa isang kamay niya ang tray, wow ang galing. Ang bigat kayan nun.

"Share nalang tayo."

Pumasok na kami sa kwarto niya. Nilagay niya ang tray sa table malapit sa bintana niya. Inayos niya ang mga pagkain at inaya na ako para daluhan siya.

"Kumain ka ng marami Boss, tignan mo oh, ang payat mo na."

"Ako? Payat? Tssss."

"Hehehe, joke lang Boss. Ako nalang ang payat."

"Ang taba ng pisngi mo."

"HUH? Hindi kaya. Sinungaling kang lalake ka." pinaghahampas ko siya. Sabihan ba naman akong mataba? Ang payat ko na nga.

"A-aray, tama na babae. Boss mo paren ako."

"Boss mo muk-- hehehehe ano ba tong mga pinagsasabi ko? Boss nga kita eh." sabi ko saka nag-peace sign.

"Maghalf-day kaya ako?"

Mr.Billionaire and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon