Naging Sino Ba Ako Sa Kung Ano Tayo?

170 3 0
                                    

Marahil iiyakan mo din ‘to…

Pero alam ko hindi,

Dahil habang sinusulat ko ito ay hindi na ako

Ang laman ng puso mo.

Nandito ako ngayon sa simpleng papel

Kung saan iginuhit ang ating alaala sa aking pag-iisa.

Gamit ang tinta ng kahapon

Nung ika’y nangako na kailanma’y…

Hindi dadating ang sandaling

Ika’y papalayain at papanouring lumipad palayo.

Sa bawat upos ng sigarilyo, pagtingala sa kawalan at

Bawat tipa ng gitara,

Ay pilit paring umaasa sa mga panahong

Nasasabik na ika’y masilayan at mayakap.

Mga alaala na naging parang sumpa,

At sa pagsisi kung saan ako nagkamali.

Sa aking walang hanggan na paghingi ng “patawad”.

Sana, kahit saglit ay maitama at mabawi ang nakaraan.

Siguro sa mga sandaling ito, ako na ang laman ng isip mo.

At marahil iyakan mo ito,

Pero alam ko, hindi...

Naging Sino Ba Ako Sa Kung Ano Tayo?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon