Minsan, tayo ay iginuhit ng tadhana sa alaala.
Pero naaalala pa ba tayo ni Luna o ni Haring Araw?
Ina-awit pa ba ng hangin ang mga bulungan natin?
Nasasalamin pa ba tayo sa namoung hamog?
O nakamarka pa rin ba ang iginuhit nating puso sa punong manga?
Sila…
Saksi lahat sila
sinulat ko ito ngayon sa katahimikan
at sa mataimtim na pagpapahayag ng dalangin.
Sa isang sulok ng mga puso at isipan natin,
Nabubuhay sa pilit na paglimot
Na ikaw at ako…
Tayo na nandito, bakas sa kwento ng kapalaran
Sabay nating tanglaw ang pagsikat ng bagong umaga
At humanga sa duguang langit sa paglisan
Kasabay ang di matawarang pangako na kailanma’y…
haaay!
Hindi tayo sinungaling
O mali tulad ng mga gabing madilim
Kung saan ninakaw ang mga pagkakataon para magkapiling.
Limot na tayo ng oras at panahon.
Sa kawalan naglalakbay, naghahanap ng karamay
Na sana may makahagilap at mabasa ditto na…
Minsan, tayo ay iginuhit ng tadhana sa alaala.