Bangungot

48 1 0
                                    

“Tulong! tulong! Tulungan nyo ko” Takot na takot kong sinisigaw sa paghahangad na may makarinig at may sumaklolo. Hindi ko rin alam kung bakit may humahabol sa akin na tila isang anino ng babae, may sinasabi ang anino ngunit hindi ko na tinangka pang pakinggan o unawain man lang. Kung maaari nga lang ay nanaisin ko na lang na mawalan na ng mga paningin at pandinig ng sandaling iyon. “Iwan mo ko, lubayan mo ko!” paulit-ulit kong sambit hanggang sa pagdamutan na ako nang sariling katawan ng lakas. Tinakpan ko ang aking tainga’t pinikit ang aking mga mata, naghahalo na ang aking mga luha, pawis at sipon na akin pang nalalasahan habang dumadalo’y sa aking mga labi. Nanginig ang aking buong katawan nang ako’y tuluyan nang mapaupo sa masangsang na mamasa-masang lupa. Nang hindi ko na naririnig ang napakalamig na mga tinig, sinulyapan ko ang kanina’y nagmamadaling anino. “Wala.” Tumakbo akong muli hanggang sa naramdaman ko nalang na tila nahuhulog ang buong mundo patungo sa napakadilim na kawalan.

“Panaginip?” Nagising ako mula sa masama panaginip na pawisan at basa ang aking salawal. Habang naghahabol ng hininga ay nilingon ko ang aking kapatid na mahimbing ang pagkakatulog sa kama nito, lumabas ako ng silid upang tignan ang langit. Napaka dilim, tansya ko’y alas tres pa lang ng madaling araw. Kumuha ako nang tubig sa kusina, pagkatapos kong maubos ang tatlong baso ng tubig ay muli kong itinaob ito at tsaka bumalik sa silid, nagpalit at yumakap sa aking kapatid.

Mansyon ni KwanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon