Ang mansyon

12 0 0
                                    

Sa paglalakad ko ay may nakita akong tulay na hindi ko naman napuna sa pagpunta namin kanina tila ba bigla nalang itong sumulpot duon, inisip ko nalang na baka may hawig lng ang dinaanan namin kanina at ang lugar na syang kinalalagyan ng tulay. Dahil sa pagtataka ko ay pinuntahan ko ito at tinignan kung saan ito patungo at kung anong mayroon dito.

“Papunta ba to’ sa Daranak?” Sabi ko sa sarili, may pagkakahawig kasi ito sa paligid ng Daranak falls, kinakailangan kong lumapit para lang makita ko ng malinaw kung anong meron dito. Habang papalapit ay may naaaninagan akong nakatingin sa akin, isang babae. Kumakaway sya sakin at kumaway din ako, naglakad pa ako papalapit. Napansin kong ngumiti sya saakin at sinuklian ko din naman ng mas malalaking ngiti. Hindi ko maalala kung aning pangalan niya pero basta kilala ko siya.

“Uy kamusta na?” pangangamusta ko.

“Ok lang"

“San ka ngayon?”

“Dun pa din”

“Talaga, diba sa anu ka din.. sa ”

“Mandaluyong”

“Ah oo nga pala, eh anung ginagawa mo dito?”

“Wala, may bahay kase kami dito”

“Oh talaga?”

“Gusto mo sumama?”

“Sige tara! Sama ‘ko”

 At tinumbok namin ang tulay papunta sa bahay nila, mabuti nalang at nakapag palit ako bago kumain kaya hindi ako mukang basing-sisiw na bibisita sa kanila.

Nagpatuloy kaming maglakad sa gitna nang kagubatan, lumipas ang halos tatlumpong minutong paglalakad at nakaramdam ako ng pagod at konting pagkahilo.

“Nasan na ba tayo? Malayo pa ba? Medyo pagod na ko eh’ pahingal hingal na sabi ko.

“Hala, hindi ko rin alam. Naliligaw na yata tayo!”

“Hala? Hindi nga?” Nakararamdam na ako ng takot nuon at alam kong ramdam niya din iyon.

“Biro lang, nandito na tayo. Mga ilang lakad nalang”. Lumapit ako sa kaniya at tsaka kumapit sa mga bisig nito bago kami nagpatuloy sa paglalakad, hanggang sa na tanaw ko na ang isang napakalaking kulay rosas na mansyon. Meron itong dalawang palapag, balkonahe't teris sa gitna ng pangalawang palapag, sa tansya ko gamit ang paningin ay meron itong walong kwarto sa itaas, gawa din sa salamin ang isang bahagi ng bahay na sya namang ng sisilbing pader sa ibabang bahagi ng bahay. Sa paligid ng mansyon ay mayroon napakaraming ibat ibang uri at kulay ng mga bulaklak na sya namang humahalo sa simoy tuwing umiihip ang hangin. Sa gitna, sa tapat ng mansion ay mayroon isang maliit na lawa, malinaw ang tubig at kitang kita ang mga maliliit na bato at mga nalaglag na dahon sa mga sahig ng lawa.

“Ba..ba..bahay nyo yan?” Laking gulat ko dahil wala naman sa itsura niya ang nakatira sa mansyong napaka ganda. Ngumiti lang siya at tsaka sinabing “Tara, pasok na.”

Sa pag pagpasok sa napakalaking pintuang gawa sa nara ay bubungad ang napaka lawak na salas. Mayroong napakagarang sofa sa kanang bahagi na nakatapat sa salaming ding-ding na sya namang tinatakpan ng malalaking puting kurtina. Sa kaliwang bahagi naman makikita ang dalawang magkabilaang hagdanan na iisa lng naman ang tutunguhan, walang iba kundi ang itaas. Sa pagitan ng hagdan ay ang daan patungo sa kusina at palikuran. Samantalang ang gitnang bahali ng salas ay daan patungo sa apat na silid kung hindi ako nagkakamali.

“Grabe, napakaganda talaga ng bahay nyo, tiyak na madami kayong nakatira dito”

“Hindi, ako lang magisa dito”

“Huh? Panung ikaw lang dito, ang laki nito uh?”

“Ako lang eh, may katulong pero umuuwi din. Kumain ka na ba? sandali uh”

Tinawag niya ang nagiisang katulong na kasama niya sa mansyon. “Manang!”  Dali-dali namang lumabas ang kasambahay na may napakaamong muka habang nagpupunas pa ng mga kamay nito sa apron na suot-soot. Mayroon na ding hibla ng mga puting buhok sa ulo nito at mga guhit sa muka na ng sasabing nasa idad sisenta na ang matanda.

“Palabas naman ng mga pinahanda ko.” dali-dali namang bumalik ang matanda sa kusina para kunin ang mga pagkain. May katandaan na si Manang kaya may kabagalan ito sa pagkilos. Habang naghihintay ay muli akong nakipagusap upang mabasag ang katahimikang bumabalot sa mansyon.

“May hinihintay ka bang bisita kaya ka nagpahanda?” Ngumiti lang ito sa akin at akmang aalis “sandali lang, susundan ko si Manang baka mahirapan e, diyan ka muna huh?” at umalis na nga ito’t naiwan akong magisa sa sala.

Mula sa salaming pader  ay matatanaw ang katahimikan at kagandahan ng paligid. Minamasdan ko ang tuyong dahon na nalalaglag at pumaibabaw sa lawa, naisip kong napakalungkot marahil ng pagtira sa mansyong ito lalo na’t magisa ka lang.

 
Hindi ko namalayang matagal na pala akong nakatayong habang nakatulala. “Ang tahimik no? tara maupo ka na’t pinahanda ko talaga ito para saiyo” pagaalok nito sa akin. Mukang masasarap ang pagkain, naalala ko na kakakain ko palang ngunit dahil na rin marahil sa aming mahaba-habang paglalakad paakyat ng bundok ay tila nawala na ang mga kinain ko. Pinagsaluhan namin ang mga inihanda niyang panghimagas.

Mansyon ni KwanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon