Lumipas ang mga araw, bwan, at taon na lulan ko parin ang mga alaala sa mansyon at hanggang ngayon ay hindi ko parin maalalang kaybigan.
Sa puno ng Mulawin, naka tambay kaming magkakaibigan. “Hay nako tag-init na naman san naman kaya tayo magsu-swimmingngayon?” tanong ng kababata kong si Bikay.
“Kahit saan, wag lang ulit doon” tugon ko sa mababang tinig.
“Di mo parin ba nakakalimutan iyon jeka?” pag aalala ni Jay.
Alam kong hindi nila ako pinaniniwalaan, dahil sa inakyat nga muli namin ang bundok at wala kaming nakitang rosas na mansion o ultimo rosas man lang. Nakarinig din ako ng usap-usapan noon na nawala na daw ako sa katinuan at kung ano-ano ang naiisip, binalak din ng mga kaibigan kong ipaalbularyo daw ako’t baka namamaligno lamang ako. Ngunit hindi ako pumapayag, dahil alam ko sa sarili ko na totoo ang lahat ng nangyari.
Biglang bumuhos ang malakas na ulan at lahat kami ay sumilong sa pinakamalapit na bahay. “Summer may bagyo?” pagtataka ni Harvey.
“Oo nga eh, sinabi sa balita iyan kanina” si Jay
Tahimik lang ako na nakatingin sa mga dahon ng puno, pilit itong kumakapit sa kabila ng malakas na hangin. Sinundan ko ng tingin ang nahuhulog na dahon hanggang sa tuluyan itong pumaibabaw sa mga naipong tubig galing sa ulan.
Pagkatapos ng aking mga karanasan, natuto akong maniwala sa sinasabi ng mga tao sa paligid ko kahit ang iba’y hindi niniwala. Natutunan kong wag mang husga at hindi dahil sa danas ko iyon. Ito ay dahil sa may mga bagay na ikaw lang ang nakakaalam at hindi mo na kailangan pang magpaliwang sa kanino man, kung intindihin ka man nila o hindi, ang mahalaga ay nagsasabi ka nang buong katotohanan.
BINABASA MO ANG
Mansyon ni Kwan
Mystery / ThrillerSi Jeka kasama ang mga kaybigan nya ay nag punta sa isang di tanyag na talon upang maibsan ang init na dala ng tag-araw nang makita nya sa lugar ang isang kaybigang duon ay di umanong nag babakasyon. Lingid sa kaalaman ni Jeka na ang inaakalang kayb...