Batlag

15 0 0
                                    

Sabado 6:30 ng umaga, habang naka tayo kami sa gilid ng kalsada lahat ay sabik na naghihintay sa pag dating ng inupahang jeep. “Nako tokis yata yung nakausap mo Bikay” sabi ni Harvey na tila nawawalan na nang pag asang darating ang sasakyan “Naka 20 jeep na yung dumaan wala pa din yung satin.”

“Hindi yan, jeep namin yung gagamitin eh, malayo kase yung ginarayihan at tsaka alas syete naman usapan uh?Exited ka ba”

Peep peep.

Hindi pa natatapos si Bikay sa pagpapaliwanag ay dumating na ang jeep na aming sasakyan. Dali-dali namang sumakay kaming magkakaibigan dala na rin ng pagkabagot sa mahaba-habang paghihintay.

“Sabi ko sayo stay foot ka lang eh” Ani ni Bikay.

“Urat na ko eh kanina pa kami walang tulog. Pasensya naman, palibhasa’y nakatulog ka eh.” Sagot naman ni Harvey. Naputol ang usapan ng magpatugtog ang tsuper ng jeep, at karamihan ng mga pina tutugtog ay kanta ng bandang E Heads at Rivermaya kaya naman lahat kami ay nakakasabay sa tugtugin.

7:30 ng umaga at lumagpas na kami sa simbahan ng Antipolo, hindi ko alam kung saan na ang eksaktong lugar kami naroroon, pero wala niisa samin ang nagtatanong dahil sa ganda ng tanawin at sa napaka bagong simoy ng hangin.

“Ang ganda ng ganitong lugar no?” Manghang-manghang pagkakasabi ko. Hindi pa ako na kuntento at umupo kaming dalawa ni Bikay sa estribo ng jeep tutal at mabagal naman ang takbo nito dahil sa maalong kalsada ng Tanay.

Kumukuha kami ng bidyo ni Bikay habang nagkukulitan ng mapansin naming ang karatulang “Batlag falls” may kasama itong direksyon na tumuturo pataas ngunit ito’y nalagpasan na namin. Sa pagaakalang may iba pa kaming dadaanan ay ipinagsawalang bahala namin ito’t nagpatuloy lang sa pagbibidyo at pagkukulitan. Maya-maya’y huminto ang jeep naming at nagtanong sa mga nakaupong kalalakihan.

“Magandang umaga ho. Magtatanong lang kung saan po banda young Batlag falls? Tanung ni Bonbon.

“Ay nako, lumagpas na kayo, bumalik kayo sa dinaanan nyo at may makikita kayong karatula sundan nyo lang yun, bali pataas iyon.” Sagot ng isang matandang tila ay nagpapahinga galing sa kaniyang pagsasaka.

“Salamat po nong”

Nang umandar na ang jeep nagkwento si Bikay. “Nakita naming iyon ni Jeka kanina eh.”

“Oh? Bakit di nyo man lang sinabi? Tanong ni Harvey.

“Hindi naming alam, akala naming ay meron pang ibang daanan.” Sabay naming paliwanag ni Bikay.

“ay sus ko po.” Bulalas ni Balot.

“Kung maka sus naman to, dapat nga ikaw may alam kase nakapunta kana dito eh.” Sisi ko naman kay Balot

“Malay ko ba? di naman kami dito dumaan eh.

“Walang away, walang away, walang away. suntukan! Suntukan!” Singit ni Reyner sa usapan. At nagtawanan na naman ang lahat.


 Sa wakas pagkatapos ng halos dalawang oras ng pagkakaupo sa jeep ay nakapag unat na din ang aming mga katawan. Nakarating na kami sa destinasyon. Napansin kong iba ang itsura ng paligid kaysa sa mga litratong ipinakita saamin ni Balot sa Facebook. “Lot? Bakit Daranak? Akala ko ba Batlag falls?” pagtataka ko. “May daanan din dito, yun nga lang aakyat pa talaga tayo sa bundok kase sa taas yung Batlag eh.”

“Singkwenta? Hala sya, kukulangin yung tinabi nating 500.” Bulalas ni Pauline.

“Mag ambagan nalang tayo ng pang entrance dito, dito lang naman eh kase may pang Batlag na tayo.” Suhestiyon ni Bonbon.

“Tol, sila Mak tsaka Doraemon wala namang pera yan eh, sabit lang” paliwanag ni Reyner.

Lumapit si Bikay at inakong sya nalang ang magaambag para kay Mak. Hay nako pag-ibig talaga, hindi pa man nagiging sila eh gumagastos na. Unti-unti na naming naiipon ang siento singkwenta pesos naming kulang hanggang sa tuluyan na itong makumpleto. Marami ang umangal dahil makikiraan lang naman kami ay kinakailangan pang magbayad ng singkwenta, ngunit sa huli ay nagbigay parin naman kami.

Habang tinatahak namin ang napaka lubak na daanan ay napansin namin ang napakagandang talon ng Daranak. Maraming tao ang naliligo at mukang malalim kaya nag pasiya kaming kahit malayo ay magpatuloy pa din sa napagusapang destinasyon.

Napakataas ng inakyat namin kahit hindi naman ito masyadong malubak dahil simentado naman at may hagdanan. Nang makapasok na kami ay katakut-takot na hagdanan naman ang binaba namin. Matarik ng hagdanan at halos tumatakbo na kami pababa. Nakakatakot dahil pag nagkamali ka nang bagsak ay maaari kang mabagok sa naglalakihang tipak ng bato.

“Aaayyy anu ba yan!” inis na inis na sigaw ni Tinay ng mapaapak sa putikan.

“Nakakainis naman bilisan na natin para makapag hugas na ko ng paa.” Nagpatuloy na kaming lahat sa paglalakad, natuwa ako sa paligid ng Batlag falls, animo’y napa bayaang lugar lang sa isang liblib na probinsya, iyon bang parang ngayon lang nakita nang mga tao. Madaming tuyong dahon sa paligid, nataong din namang kami lang ang nagtungo duon para maligo kaya napaka linaw pa ng tubig sa ilog at maririnig ang malalakas na huni ng mga ibon.

Para sa iba kong mga kaibigan ay nakakatakot ang lugar, kaysa daw baka may maligno o baka may nangunguha sa ilog ngunit ng dahil sa malayo ang pinanggalinga’y naligo parin naman kami dito. Yung iba’y inilapag lang ang mga gamit at dumeretso na sa ilog, ang iba’y nagpalit pa pero karamihan gaya ng mga lalaki na t-shirt lang ang tatanggalin ay dumiretso na nang talon sa ilog.

Sa gilid ng ilog ay may isang malaking puno, sa palagay ko’y isang balete dahil sa maugat nitong katawan, gayon ma’y hindi ako nakakasiguro. Kakaiba din ang hugis nito na animo’y mayroong pintuan at bintana sa gilid nito. Bahagya akong kinilabutan ngunit nawala rin naman kaagad ng nakita kong nagpakuha pa ng mga litrato ang mga kaibigan ko duon, sumama na rin ako sa larawan.

Ang lamig ng tubig. Napakasarap languyin lalo na’t sa ganitong napakainit na panahon. Ilang oras din kaming nagtampisaw sa ilog bago kami nakaramdam ng pagkulo nang tyan. Umahon na kami at lahat ay sabay-sabay na kumain.

 Ang daming masasarap na pagkain sa dahon ng saging, lahat kami ay nabigla dahil sa dami at masasarap na ulam. “Oh dahan-dahan uh? Mamaya kakain pa tayo walang PG.” pabirong sabi ni Bikay.

Nagkukwentuhan kami habang kumakain, naikwento ni Jr ang paglilibot nila nang mga kikay na sina  Leah, Avenz at Tinay. “Kanina naglibot-libot kame, umakyat kami doon sa tuktok grabe ang daming punong malalaki. Gagsti, nakakakilabot talaga yung mga puno, kakaiba! Bumaba nga kami kaagad eh. Diba Mha?”

“Huh, anu yun? Di ko narinig eh” tugon ni Leah sa kasintahan.

“Sus banay ka na naman eh” Si Athan. “Mabuti pa kumaen nalang tayo mabubusog pa tayong lahat.” Dagdag pa nito.

“Hala hindi, ayaw maniwala sige kayo din” napakamot nalang si Jr sa ulo at tsaka kumain ulit.

Pagkatapos kumain ay nakaramdam ako ng pananakit ng tiyan, marahil ay naparami ako ng kain. Nag pasama ako kay Bikay para maghanap ng palikuran.

“Dito, sa pinagbihisan namin kanina ng mga zombie” ani ni Bikay.

“Sinong zombie?”

“Yung mga kikay.”

“eh bakit zombie?”

“Walking Dead eh, parang lakad ng zombie?”

“Aahahah sira ka talaga!?”

“Ayun, hintayin kita dito huh? Baka mabaho yang ebs mo eh masofocate pa ko”

“Haaha sira talaga tong Pokra na to” pangaasar ko sa kaibigan.

“Sige lumayo ka muna baka mategy ka’t masisi pa ko”

Pumasok na ako sa banyo. Hindi ko nga mawari kung banyo ba talaga to’ o mas magandang sabihin kong sakong pinagdikit dikit? Hay naku, ok na nga to’ may tubig naman eh. Matapos ang ilang minuto, nakatapos na din ako sa pagbabawas. “Nasan si Bikay?” sabi ko sa sarili ko. “Bakit iniwan ako?”  Nagpasiya na akong lumakad pabalik, nagbabakasakaling naroon na ang nangiwang kaybigan na marahil ay nainip sa paghihintay sa akin.

Mansyon ni KwanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon