Chapter 4

18 0 0
                                    

CHAPTER 04

Janine's PoV

Tumawag agad sa police si Calvin matapos ang nangyari. Kami naman ay nakaupo sa sofa at malayo ang tingin. Sa ganoong kadaling oras, nawala na agad si Leira. Patay na siya.

"Siguro ang daming kasalanan ni Leira kaya nangyari to." tanong ni Cess.

Patuloy ang pag-agos ng luha niya. Magpinsan kasi sila ni Leira. Sobrang close nila na minsan nga, naa-out of place ako sa kanila.

"Sshh. Hush it, Cess. Wala ng susunod, okay? Kunin nyo na gamit nyo. Aalis na tayo." sabi ni Adrian.

Umakyat kami sa second floor upang kuhanin ang mga bag namin. Inaayos ko ang mga gamit ko ng may biglang kumatok sa pinto.

"Pasok."

Pumasok si Calvin at bahagyang nakikita sa mukha niya ang pag-aalala. Lumapit sya sa akin.

"Ayos ka lang ba? Wag mo na munang masyadong isipin ang nakita mo kanina." sabi ni Calvin.

"Ayos lang ako."

"Okay. Tara na sa baba. Hinihintay na nila tayo."

Sumunod ako kay Calvin at nakitang handa na nga ang lahat. Ang bakasyon sanang magiging masaya ay naging masaklap na trahedya pa para sa amin. 

Ang daming gumugulo sa isip ko. Kasalanan ko ba kaya namatay si Leira? Dahil ba iniwan ko sya kaya sya namatay? 

Labing apat na oras muli ang binyahe namin para makabalik sa Manila. Nakakapagod ang araw na ito. Ang mga mata ko ay hilam parin ng luha.

"Hindi ko talaga lubos maisip. Ano bang nangyari? May nangyari bang foul play o sadyang nahulog lang sya? Atsaka Calvin, bakit may acid ang pool nyo? Baka pinlano mo ito!" tanong ni Cess.

"Wala akong kinalaman dito Cess, pwede ba? Masakit din para sa akin na wala na si Leira dahil parang kapatid ko na yun!" sagot ni Calvin sa paratang ni Cess.

Totoo ang sinasabi ni Calvin. Kahit kaka-transfer ko pa lang, nakita ko yung bond nila ni Leira. Kaya siguro, kung may mas masasaktan dito, si Calvin yun. Leira was like a sister that Calvin never had.

Pagkarating namin sa Manila ay agad akong sinalubong ng malamig na hangin. Leira, kung nasaan ka man na ngayon, tandaan mong mahal na mahal kita.

Wala akong ginawa buong Linggo dahil hindi naman ako yung tipo ng taong pala-gala at lakwatsera. Mas gusto ko na nasa lang ako.

Naputol ang pagmumuni-muni ko ng tumunog ang cellphone ko. Si Cess, tumatawag sya.

"Hello?" 

"Hello, dear. Shopping tayo? Libre ko na!" sabi ni Cess.

Nakakapagtaka. Kahapon lamang ay iyak sya ng iyak dahil sa pagkamatay ni Leira samantalang ngayon ay parang nakalimutan na niya agad ang nangyari. 

"Ha? Eh... Okay, sige. Kita na lang tayo sa Berna Mall."

"Okay, dear. See yah!" 

Bakit ganun? Parang nag-iba si Cess? Hindi naman ganun yun kung magsalita o kumilos e. Hmm, hayaan na nga lang. Siguro yun lang talaga ang way niya para makalimutan agad ang sakit na naramdaman namin kahapon.

Agad akong nagbihis at sumakay ng taxi papuntang Berna Mall. Sa Foodcourt na lang daw kami magkita sabi ni Cess. Hindi naman ako nahirapang hanapin siya dahil sya lang ang nag-iisang naka-pure black dito.

"Hey, Janine. Let's go?" sabi ni Cess.

Nginitian ko naman siya at tumango.

"Okay. Tara."

Habang naglalakad kami ni Cess, ang dami niyang ikinukwento tungkol sa mga fashion trend daw ngayon. Wala naman akong interes sa ganun e kaya nagpanggap na lang ako na nakikinig.

Pumasok kami sa isang botique. Namili si Cess ng mga damit. Magaganda ang mga yun at halatang mahal. Nagulat na lamang ako ng ibigay niya sa akin yun.

"Sige na. Isukat mo na. Tapos kung ano yung magkasya sayo, bilhin natin, okay?" 

Hindi na niya ako pinasagot dahil agad siyang humagilap ng isang dress at pumunta sa fitting room.

Tinignan ko isa-isa ang mga nakahanger na damit na ibinigay niya sa akin. May mga designs ito na talaga namang maganda at may mga sequins din.

Magtutungo na sana ako sa fitting room ngunit napatigil ako sa paglalakad ng may sumigaw sa katabing fitting room na pupuntahan ko sana. Bigla akong kinabahan.

Nagtakbuhan ang mga sales lady doon at kinatok nila ang pinto ngunit walang sumasagot. Napilitan silang buksan ang pinto.

Napaupo na lang ako sa sahig at nabitawan ang mga hanger ng damit na dala ko ng makita ang babaeng nasa loob ng fitting room. 

Ang babaeng sumigaw at nasa isang kalunos-lunos na sitwasyon ngayon ay walang iba kundi... ang unang nakakita sa bangkay ni Ms. Aguado... si Elizabeth.

------------------------------------------

Wiwuwiwuwiwu.😂
Puro patayan ba? Next time romance naman.😂

Gawan nyo nga ako ng group para sa mga Stars (Readers) ko.😍😂

Hahaha. Add me on my facebook account (pakiusap, wag po sa official account): Meekaelah WP

Classroom 4-ETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon