Sorry ( One Shot )

659 28 0
                                    

"Congrats Jenni."

"Hehe. Isukat mo nga , baka di kasiya eh. Mama mo lang nagsabi ng sukat mo eh."

Ginawa ko naman yung sinabi ni Jenni. Sakto nga ang sukat.Bongga naman ng kasal nila Jenni. Damit palang ng maid of honor , bongga na eh. Sabagay , mayaman naman kasi sina Adrian. Hay.Ang sakit pa rin.

"Wow.Bessi. Bagay sayo. Buti na lang tama ang tahi. Naku kung hindi mahihirapan tayo. Hehe."

Nginitian ko na lang siya. Hay!!!

************************

Wedding day.

Nandito ako sa bahay nina Jenni. Mine make upan ng bakla. My hair was up in a bun. Light lang yung make up sakin . Pink ang lipstick ko. Cute. Bagay sakin kasi ang puti ko. Yung gown ko eh , strapless or tubelike kaya naka pearl necklace ako. Pati earings ganun din. Kanina ko pa iniisip na ako ang ikakasal. Hay nako , libre ang mangarap. Hanggang ngayon , di ko pa yon nakikita. Si Jenni din eh , di ko pa nakikita. Nasa isang kuwarto siya at walang pedeng pumasok. Pati yung mga magulang ni Jenni , hindi din kaya nandito sila sa kuwarto ng mga abay. Hay!!

"Ayan ang ganda ganda mo talaga." sabi nung bakla.

Nginitian ko lang siya. Yung mga bridesmaid eh , mga naka puti ding gown. Puti ang motiff obviously. Mas bongga nga lang yung sakin. Parang gusto kong tumutol sa kasalang ito. Pero ang selfish ko naman diba? Bat ba kasi di ako bumalik para kay Adrian non eh. Kami pa rin kaya , kung di ako umalis? Si Kean at Nica pa kaya kung ganun? Hay? Parang ako ang may kasalanan. Hay!

Matapos ayusan eh pumunta na kaming cathedral. Pero di ako pinababa ng sasakyan, mamaya na daw pag dumating si Jenni. Buti naman , dahil ayoko pang makaharap si Adrian.

Sorry ( One - Shot. )Where stories live. Discover now